Home News Bente pesos naging 401 Milyon, Tinamaan sa lotto ng isang ginang mula sa Iloilo

Bente pesos naging 401 Milyon, Tinamaan sa lotto ng isang ginang mula sa Iloilo

0
Bente pesos naging 401 Milyon, Tinamaan sa lotto ng isang ginang mula sa Iloilo
Sponsored Links

Inaasa mo ba ang kapalaran mo sa swerte?
Kadalasan sa ating mga kababayan may ganitong pag-iisip, maaaring totoo ang swerte ngunit sinasamahan ito ng pagkilos o gawa. Tulad na lamang ng isang ginang mula sa Iloilo, kamakailan lamang sa inilabas na balita ng PCSO Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang ang simpleng maybahay ay tumabo ng P401 milyon jackpot prize sa GrandLotto 6/55 noong July 9, 2022.

Sa kombinasyong numero 02-18-49-07-19-47 lucky pick ticket na may tawang bente pesos P20. Hindi nito akalaing makakatsamba ito ng ganun na lamang. Sambit nito ang asawa daw niya ang nag-udyok na tumaya dito “Sabi po ng asawa ko try ko raw po tumaya ng isa lang na lucky pick para maiba naman. Kung suwerte ka talaga mananalo ka kahit LP [lucky pick],”-salaysay ng ginang.

Sobrang saya ang nararamdaman nilang mag-asawa ngunit sa kabilang banda nangangamba din ang mga ito sa kanilang kaligtasan gayung napakalaki ng kanilang perang nakuha. Sa ngayon plano nilang mag-asawa na magtayo ng negosyong mapagkakakitaan upang hindi naman masayang ang perang kanilang napanalunan.

Balak din ng mga ito magbigay ng donasyon sa simbahan at sa iba pang organisasyong tumutugon sa pangangailan ng ating mga kababayan. Ang ilan din sa kanilang kababayan ang humingi ng balato mula sa kanilang napanalunang pera.

Kwento pa ng ginang hindi naman daw talaga siya mananaya ng lotto ang huli pa nitong taya ay noong 2016 pa. Muling sumubok ngayon taon ng masabihan lamang siya ng kanyang asawa at marinig ang sinasabi ng isang mananaya. Sa kanyang pagsubok swerteng natsambahan nito ang mga numerong nabanggit sa taas kaya namana ng ending happy silang mag-asawa.

source: pcso

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here