Isa sa maituturing na beteranong komedyante itong si Jimmy Santos, madalas natin noon siyang makita sa longest running noontime show ng ating bansa na Eat Bulaga. Ngunit ngayon halos hindi na siya mamataan sa nasabing programa at madalas na lang makita sa kanyang mga vlogs.

Si Jimmy Santos ay nakilala noon bilang basketball player sa Philippine Basketball Association at di kalaunan ay pinasok ang pag-aartista dahil nakitaan ito ng potensyal sa larangan ng pagpapatawa. Taong 1970’s ng makasama nito sa ilang pelikula ang yumaong Fernando Poe Jr. o mas kilala sa tawag na FPJ ng kanyang mga tagahanga.

Matapos ang mga unang pagsabak sa pelikula, di naglaon ay nagtuloy tuloy na ito sa kanyang bagong karera at naging bahagi noon ng sikat na comedy program na Iskul Bukol bago naging bahagi ng programang T.O.D.A.S.: Television’s Outrageously Delightful All-Star Show.

Nitong mga nakaraan araw aktibo si Jimmy Santos sa mga buhay pangmasa kung saan inilalabas nito ang mga videos sa kanyang Youtube channel na may pangalang Jimmy Saints. Sinubukan niyang magpunta sa pamilihan, dayuhin ang mga kababayan nating Aeta at subukan ang buhay ng ilan dito bilang mag-uuling.

Ngayon sa kanyang latest vlog itinampok naman dito ang pagiging isang construction worker, kung saan makikita sa video na lumahok siya sa isang proyekto ng mga construction worker. Naghalo ng semento, gumawa ng pamorma sa poste at maging bakal na gagamitin sa pagbuo ng bahay. Sa edad nia 70 anyos, makikitang kayang kaya pa gumawa ng trabahong pangmasa ang ating beteranong komedyante.

Napatunayan din Jimmy na napakahirap pala ng trabaho bilang construction worker, kwento pa ng isa sa kanila nariyan ang minsan walang trabaho minsan mayroon. Marahil sa klima o depende sa panahon, maaaring kung tapos na ang kanilang proyekto at naghihintay na muli ng bago.

Mapapanood ang video sa Youtube channel ni Jimmy Santos, na may kalahating milyong subscribers.