Home News Viral Pinagkatiwalaan ngunit Kalahating milyong renta sa bahay tinangay ng mismong kaibigan ng may-ari

Pinagkatiwalaan ngunit Kalahating milyong renta sa bahay tinangay ng mismong kaibigan ng may-ari

0
Pinagkatiwalaan ngunit Kalahating milyong renta sa bahay tinangay ng mismong kaibigan ng may-ari
Sponsored Links

“No man is an Island”, ika nga nila. Kailangan natin ang ibang tao ng sa ganoon ay mabuhay tayo sa mundong ito. Ang pagkakaroon ng pamilya ay sapat na ngunit iba pa rin kapag tayo ay mayroong tinatawag na kaibigan. Sa panahon ngayon ay mahirap ng makatagpo ng totoong kaibigan. May mga sariling dahilan man ang bawat isa ngunit dapat tayong maging maingat sa tiwalang ating ibinibigay sa ibang tao o sa taong kaibigan mismo natin.

Nitong mga nakaraan ay mapapansin natin ang isang post o panawagan ng nitizen na si Leah Pascual. Isang panawagang nakakadurog ng puso sapagkat ang laman ng kanyang post ay tungkol sa kaibigan niyang tinangay ang halos kalahating milyong renta sa kanilang apartment.

Kwento ni Leah ay hindi raw niya sinisingil ng upa ang kanyang kaibigang si Julie Etolle ngunit nais niyang ito ang maningil sa bayad ng renta ng mga umuupa doon. Ilang taon na rin naman silang magkaibigan kung kayat buong buo ang kanyang tiwala dito. Hindi niya sukat akalain na gagawin ito sa kanya ng taong sobra niyang pinagkakatiwalaan.

Ang perang dapat sana ay para sa gastusin buwan buwan, pang monthly checkup at gamot ay tinangay nga ng kanyang kaibigan na si Jollie at asawa nitong si Rolland. Kung sino man po ang nakaka alam kung nasaan sila ngayon ay maari po ninyong ipagbigay alam kaniya.

Narito po ang kanyang panawagan:

“Kung sino man po ang nakakita sa mag asawang ito JULIE ETOLLE at ROLLAND JED ETOLLE, maaari lamang po na ipagbigay alam nyo agad sa amin. Sa lahat ng nakakakilala sa amin sa lugar namin, alam nyo kung gaano kami kalapit ni JULIE/LHAI sa isa’t isa, para na kaming magkapatid.

Itinuring namin sya na pamilya. Pinatira sa bakante naming bahay ng libre (June 2018) para makatulong at di magipit dahil sa pangungupahan nila.

Ang gagawin nya lang ay maniningil ng buwanang renta, pero sa kabila ng lahat, ito pa ang igaganti nila sa amin. Halos isang taong renta ng mga apartment ang itinakbo nilang magasawa sa magulang ko (mahigit kalahating milyon) perang ginagamit sa buwanang gastos sa bahay, monthly check-up at pambili ng gamot. Ginawa nilang dahilan ang pandemic kaya di nakakapagbayad ang mga tenant na naiintindihan naman ni Mama. Jan. 6, 2021, nilayasan na nila ang bahay dala lahat ng gamit pati mga nasingil na renta. Binigyan nmin kayo ng  pagkakataong lumabas at magpaliwanag pero hindi nyo ginawa. Kayo ang nagpaliit ng mundo nyo. Hindi nyo matatakasn itong ginawa nyo. Paano nyo naaatim na pakainin ang mga anak nyo ng galing sa nakaw? Kung kami kaya nyong lokohin ng ganito, paano pa ibang tao? Alam mo ayokong gawin to, pero walang ibang paraan para magbago kayo. Loob na ng rehas ang magpapatino sa inyo. Magkikita din tayo.

Anjan pati convo natin nung sinabihan ko kayo tumira sa bahay. Basahin nyo ng sabay magasawa para pati kayo kilabutan sa ginawa nyo.”

Source: Facebook

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here