Home News Matandang humingi ng tulong sa mga tambay dahil hindi marunong bumasa at sumulat “Pang redhorse lang” ang isinulat sa sombre.

Matandang humingi ng tulong sa mga tambay dahil hindi marunong bumasa at sumulat “Pang redhorse lang” ang isinulat sa sombre.

0
Matandang humingi ng tulong sa mga tambay dahil hindi marunong bumasa at sumulat “Pang redhorse lang” ang isinulat sa sombre.
Sponsored Links

Mula tayo ay bata pa lamang ay isang nais ng ating mga magulang ay makapagtapos tayo ng pagaaral. Gayon na lamang ang pagkakayod ng ating mga magulang upang tayo ay maitaguyod lalo ang ating pag aaral. Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagaral. Hindi rin lahat ay mayroong magulang na nagsusumikap para sa kanilang mga anak. Sa kadahilanang ito ay maagang nagaasawa ang ibang kabataan. Ang iba naman ay itinataguyod ang sarili sa kagustuhang makapagaral.

Ngunit mayroon talagang mga taong likas ang pagiging makasarili at hindi bukas ang kamay sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Nito lamang nakaraan ay kapansin pansin ang isang post sa Facebook ng lalaking nanghingi ng tulong sa mga tambay na sumulat sa isang sobre.

Ang lalaki ay hindi marunong bumasa at sumulat. Nais sana niyang mamalimos gamit ang sobra at pinalalagyan niya ng “Pangbili ng pagkain po”  ngunit ang mga tambay na kanyang hiningan ng tulong ay “Pang redhorse lang” ang iniligay.

Mapapansin nating matanda na ito ngunit nagawa pa siyang paglaruan ng ibang tao. Nagawa pa niyang pasalamatan ang mga tambay na ito sa pag aakalang naisulat nga ang kanyang nais.  Maraming nitizens ang naawa sa matanda.

Habang umiikot ang matanda para humingi ng tulong ay pinagtatawanan siya ng mga tao at may iba pang ngsabing ipangiinom lamang naman pala niya ang kanyang nililimos. Sa pagkakarinig nito ay lumapit siya sa isang nitizen at itinanong kung bakit ganoon ang nagiging reaksyon ng mga tao.

Ang post na ito ay may caption na “Napakawalang puso ng mga taong ganito ang ginagawa sa kanilang kapwa, sana’y hindi kayo patulugin ng konsensya niyo, hindi na nga marunong bumasa at sumulat si tatay ganito pa ang gagawin ninyo.”

Hindi po lahat ay nabibiyayaan ng maayos at marangyang buhay. Hindi lahat ay ngkaroon ng pagkakataong makapagaral. Kung kayat kapag may mga taong ganito, tulungan na lamang po natin sa halip na kutyain o lokohin. Lubis na pinagpapala ang mga taong may mabubuting puso at tumutulong sa kapwa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here