Sponsored Links

Hindi lingid sa atin na may ilan tayong mga kapwa Pilipino na talaga namang hirap sa buhay. Sapat na sa kanila ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang iba ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay at sumusuko ngunit mayroon namang hindi ginagawang hadlang ang kahirapan sa buhay upang umasenso.

Isa na rito ang isang Pilipinong mag-aaral na hindi lamang nakapagtapos ng pag-aaral bagkos ay naging Cum Laude pa. Ito ay si Jarel Tadio na tubong Tuguegarao, Cagayan na nakapag tapos dahil sa pamamasukan bilang isang kasambahay. “Proud Kasambahay, Poud Magna Comlaude” ito ang karatulang hawak niya suot ang kanyang Toga sa kanyang Facebook post.

Larawan mula kay Jarel Tadio | Facebook

Nais lamang ng bata na maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan at nakita niyang ang pag-aaral ng mabuti ang pinakamabisang daan. Sa kanyang paglaki ay nakita niya ang estado ng kanilang buhay na kakaiba sa ibang mga bata. Bibihira sa panahon ngayon ang may gabitong mentalidad. Hindi lamang ang kanyang sarili ang nais niyang umasenso kundi ang kanyang buong pamilya.

“Wala. Wala akong gustong maging in the future. Basta maayos ko lang ang buhay nila mama, ok na ako.” Ani Jarel.

“Namasukan ako bilang maid. Pero taas nuo ako sa naging trabaho ko. Marangal un. At ang masaya dun, libre na ang tulugan, libre pa ang pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable at libre wifi. Saan ka pa!.” pagkwento pa ni Jarel.

Larawan mula kay Jarel Tadio | Facebook

Habang nagkakasambahay si Jarel ay nagkaroon siya ng determinsayon na maging isang working student. Napakahirap man ngunit kaagapay niya ang pagpupursigi para sa edukasyon.

“Mahirap maging working student, aral sa umaga, trabaho sa hapon at gabi…Maliban pa dun, may mga taong hindi yata masaya na makita kang nagsisikap makamit ang pangarap mo.”dagdag pa niya.

Nagtiis si Jarel hanggang sa nito lamang 2018 ay nakapagtapos siya bilang Com Laude sa Cagayan State University ng kursong Hotel and Restaurant Management. Alay niya ito sa kanyang mga magulang  na nagsilbing inspirasyon niya para maabot ang yugtong ito ng kanyang buhay.

Larawan mula kay Jarel Tadio | Facebook

“Ma, Pa, ito na po ang bunga ng bawat pagod, bawat hirap at bawat luha…Graduate na po ang anak niyo at ito ay dahil hindi niyo ako pinabayaan, dahil sa pagtitiwala sa aking kakayahang tapusin ng matapang at tahakin ng may takot sa Diyos ang aking nasimulan. Huwag kayo mag alala  mama papa, etong speech at yung diploma muna ang tanggapin nyo, pauna palang to, sa susunod may sobre na po.” Speech ni Jarel.

Tunay ngang kung ang isang tao ay magkakaroon lamang ng determinasyon at pagsisikap, hindi malayong maabot niya ang kaniyang pangarap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here