Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapamaraan, masipag at maabilidad. Kung ating mapapansin habang may trabaho ang iba ay nagagawa pang mag-sideline para sa dobleng kita. Madalas natin itong mabalitaan sa mga OFW nating kababayan. Habang sila ay pagod sa kanilang mga trabaho ay sumisibit pa ng ibang oras para makapagtinda ng kung ano-ano.

Ang iba naman ay nagiging handler ng mga pahulugang gamit, mga paluwagan, raffles at kung ano ano pang maaring mapagkakitaan. Marahil ay mapapansin din natin ang mga OFWs nating kababayan na ngbebenta ng mga prduktong dito mismo sa atin nanggagaling o ipinakikilala nila sa bansang kanilang pinagta-trabahuan.

Isa na dito ay ang sikat ngayon nan si Robin John Carlo na nagbebenta ng mga Street Foods sa New York. Ayon kay Robin ay naisipan lamang niyang magbenta nito noong mga pagkakataong sobra niyang gustong kumain nito. Dito na nagkaroon si Robin ng lakas na loob na ipakilala ito sa ibang bansa na triyak namang tinangkilik ng mga kababayan natin at ng ibang lahi.

Ngtayo si Robin ng isang stall at nagbenta ng mga street foods gaya ng isaw, Betamax, adidas at ang pinaka-gigiliwan ng lahat, ang chicharong bulaklak. Nabibili sa kanya ang mga ito sa halagang 175php. Naging malikot ang utak ni Robin kung kaya’t kahit sa kanyang online shop ay nagaadvertise na din siya ng kanyang mga paninda. At kung nais mo namang sa bahay lang mag-ihaw ay mayroon na rin siyang mga ready-to-grill na street foods.

Sa patuloy na pagsusumikap ni Robin ay madami na ang kanyang naging suki. Kahit ang ibang lahi ay nais naring tikman ang pagkaing Pinoy na ito. Siya ngayon ay binansagang “Boy Isaw.” Sino nga ba naman ang hindi kakayod kung ang iyong kikitain ay 200,000php linggo-linggo o 800,000php sa loob ng isang buwan.
Ang kailangan lamang natin ay ang sipag at tiyaga upang maabot ang anumang nais natin sa ating buhay. Kaakibat nito ay panalangin sa Poong Maykapal sa patuloy na pagsama sa anumang naisin natin.