Sponsored Links

Sadyang napakamalikhain talaga ng mga Pinoy at maraming mga bagay ang nagagawa ng mga malilikhaing imahinasyon. Isang halimbawa na dito ang isang bagong likhang sapatos na may kakaibang disenyo at anyo.

Tinatawag itong “Ramen Shoes” ni Joel Wijangco, isang sikat na Filipino designer na kalahok sa isang International competition sa 2022 na gaganapin sa China. Si Joel ay nanalo bilang first-runner up sa 7th Filipino Footwear Design Competition (FFDC).

credit to Joel Wijangco

Ayon sa designer, naging pangunahing inspirasyon nya ang kanyang kapatid kaya naman naisipan nitong ramen ang maging disenyo at anyo ng kanyang sapatos.

“She’s a very brave and hardworking woman, and one of the things that she used to order whenever she’s here visiting from Japan would be the ramen — it’s one of her favorites,” banggit ni Joel. Maliban sa kanyang likhang sining sa pamamagitan ng pagagawa ng sapatos, nais din ni Joel na mabigyan ng karangalan ang kanyang kapatid na ayon sa kanya ay napakatapang sa buhay.

credit to Joel Wijangco

Kasama ang ilan pang mga artists at shoemakers, maipapamalas na ang kanilang galing sa pagawa ng sapatos at mabibigyang buhay na ang kanilang mga disenyo.

Ang ramen shoes ay isang walang taking na sapatos na disenyo ni Joel ay gawa sa of resin, rubber, plastic, metal, cable wires, miso cowl, fake banana leaves, at chopsticks.

credit to Joel Wijangco

 “To take this innocent little bowl of noodles and make it the hero of its own fairy tale. So it’s a campy and humorous piece, and I think that it’s something we need right now in this time of anger and fear and bad news.” pahayag pa ng designer.

Ayon kay Joel, sariling sikap at aral lang ang kanyang pinanggalingan bilang isang designer at hango umano sa mga nakaka-antig at nakakataba sa puso na mga personal na istorya ang kanyang mga disenyo.

credit to Joel Wijangc

Magiging isa sa mga representante ng Pilipinas si Joel Wijanco sa darating na International Footwear Design Competition (IFDC) sa Guangzhou, China sa taong 2022.

Sa mga nais naming magkaroong nitong “ramen shoes” o magpagawa ng customized na disenyo ay maaring makontak si Joel Wijangco sa kanyang email na [email protected]

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here