Sponsored Links

Sa kasaysayan, marami ng mga barko, at mga sasakyang pandagat ang nalunod o nagkaproblema at hindi na nagagamit.  Marahil ay naalala mo pa ang kwneto ng lumubog na barko ng Titanic dahil ginawan ito ng pelikula.

Sa mga katulad nitong suliranin, maraming tao ang naapektuhan pati na rin ang buhay sa karagatan lalo na kapag nagkakaroon ng oil spill.

Samantala, ang barkong ito na tinawag na SS City of Adelaide ay isa nang magandang tanawin pagkalipas ng maraming taon ng ito ay nasunog sa gitna ng karagatan.

Ang barkong ito ay isang steamship passenger vessel noong 1863 at una itong ipinagalan na City of Adelaide. Naging pampasaherong barko ito na bumibyahe papunta sa Melbourne, Sydney, Honolulu, at San Francisco. Ilang taon din itong nagsilbing passenger ship hanggang sa ginawa itong cargo ship noong 1890 pagkatapos itong nabili ni W. A. Ritchie, of Sydney at ginawang barque.

Noong 1895, nabili naman ito ni G J Robertson, at napunta sa Howard Smith Company ng Townsville at ginawa nila itong coal storage.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang pagkasunog ng barko noong 1912 na umabot pa ng ilang araw bago naapula ang apoy. Kaya naman ay halos natupok na ang buong bahagi ng barko.

Sa kabilang dako, binili ang nasunog na barko ni George Butler, anak ng pinakaunang European na residente ng Magnetic Island sa Townsville, Australia.

Habang sinusubukan itong kunin sa dagat at ilipat ng lokasyon, mula sa Townsville patungong Picnic Bay, sumadsad ito sa Cockle Bay sa Magnetic Island.

Naging isang magandang tanawin na ang nasunog na barko at isa sa mga paboritong Instagrammable view sa Queensland sa Australia. Ito ay madalas na dinadayo ng mga tao lalo na ng mga turista tuwing low-tide kung saan makikita ang malaking bahagi ng barkong SS City of Adelaide.

Nagmistulang isang maliit na isla ang barko dahil may nabubuhay ng mga Punong kahoy na lalong nagpapaganda sa tanawin.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here