Sponsored Links

Hindi naman maikakaila na lahat tayo ay nangangarap ng ating sariling dream house. Ang bahay na kung saan komportable tayong gumalaw, maganda sa paningin, maaliwalas at kung minsan kakaiba sa ating mga nakikita.

Kaya naman kamakailan lamang isang lalaki ang nagpost ng kanyang little dream house ngunit ito ay kakaiba dahil gawa ito sa recycled container van. Sa nasabing loob ng container van makikita talaga ang malaking pagbabago nito. Maliit man maituturing pero tiyak na mapapahanga ka dahil kakaibang pagkaka desenyo at mga materyales na ginamit dito.

Agad na nagviral ang post na ito Amiel Colesio, kung saan sinasabi nya dito na nakahiligan nya talaga ang maliliit na bahay na madalas na napapanood nya sa YouTube at kung minsan nakikita nya ito sa FB. Dagdag pa nya isa sya nangangarap magkaroon nito tulad ng ibang tao na nakita na din ng ganitong uri ng bahay.

Ayon pa sa kanya talagang nagtipid pa sya para lamang mabili ang mga kakailanganing materyales nito, at syempre hindi nya rin maikakaila na kung hindi dahil sa pagpipilit nya sa kanyang ama wala sana sya ng ganitong bahay.

Heto ang kanyang pahayag sa nasabing FB post;
Tiny House

I’ve been addicted to tiny houses na napapanuod ko sa youtube at nakikita ko sa fb. Hehe. Siguro nakakita na rin kayo at nangarap na magkaroon nun. Isa na ako dun! Medyo di lang ako kumain ng onti para makaipon pang bili ng mga materyales pero syempre di ko rin ‘to makukumpleto kung di ko pinilit tatay ko. Haha. “ipaparenta ko kasi, pa”

Kung titingnan mo nga naman hindi mo aakalain na magmumukhang elegante ang dating ng lumang container van na ito. Ang ilang materyales ay hango lamang sa mga normal na kagamitan na makikita sa kapaligiran. Sa ngayon ang nasabing post ay may 9K shares ganun din ang reaksyon nito at may mahigit na apat na libong komento ito.

Halos komento ng ilang netizen ay patungkol sa pagkabilib, paghanga dito at ang iba naman sinasabi pang nakapagbigay daw sa kanila ito ng inspirasyon. Ngunit may mga iilan din na hindi nagustuhan at nakulangan sa nasabing munting bahay.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here