Home News Security guard, nag-uulam ng bawang at sibuyas sa kanyang trabaho para lamang malaki ang maipadalang pera sa kanyang pamilya

Security guard, nag-uulam ng bawang at sibuyas sa kanyang trabaho para lamang malaki ang maipadalang pera sa kanyang pamilya

0
Security guard, nag-uulam ng bawang at sibuyas sa kanyang trabaho para lamang malaki ang maipadalang pera sa kanyang pamilya
Sponsored Links

Malaki ang naitutulong sa atin ng sibuyas at bawang para ating mapasarap ang ating niluluto. Subalit, magugulat ka at malulungkot dahil ang mga sangkap na ito na ginagamit sana sa pagluluto ay naging ulam para sa isang lalaki na nagtatrabaho bilang isang security guard.

Kamakailan lamang ay naging viral ang mga larawan na ipinost ni Apit Lid kung saan makikita ang isang lalaki na kumakain ng kanyang baon na kanin kasama ang bawang at sibuyas sa kanyang baunan. Naaawa umano ni Apit dahil sobrang nagtitipid ang naturang guard para mas malaki ang kanyang maipadala sa pamilya.

credit to Apit Lid | Facebook

Gumagastos lamang umano nang hindi hihigit sa 100 Malaysian ringgit, o katumbas ng Php 1,170 sa isang buwan ang security guard dahil ang natitira niyang sahod ay nakalaan na sa kanyang pamilya.

Nagmamalasakit sa kanya si Apit at sa tuwing mayroon umano itong extra na pera ay binibilhan nya ito ng pagkain.

Sa post ni Apit, “Hopefully everything will be alright for him,” saad nito. Bukod pa kay Apit, marami ang nakisimpatya at naawa sa kalagayan ng lalaki. Maraming pinoy din ang naka-relate kaya naman ay binahagi din nila ang naturang post.

credit to Apit Lid | Facebook

“Isang tingin ko pa lang nakaka-touch na. Security guard din asawa ko. Minsan kanin lang baon niya walang ulam,” kumento ni Chona Acuin Elorza.

“Sige lang, kuya. Makararaos ka rin niyan. Ganyan kami dati. Ni ultimo pisong bawang uutangin pa namin. Hindi ka nag-iisa, kuya.” banngit pa ng isang netizen.

Marami naman ang bumilib sa pagmamahal ng security guard na iyon sa kanyang pamilya dahil kung iisipin ay nagkakahalaga ng 1, 500 Malaysian Ringgit ang kanyang sahod sa isang buwan o may katumbas din na Php15,400 dito sa bansa. Isang dakilang sakripisyo ang inaalay niya sa kanyang pamilya.

Marami din ang nabahala sa lalaki dahil kailangan din umano nyang alagaan ang kanyang sarili dahil nagpapakahirap din syang magtrabaho.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here