Sponsored Links

May kanya-kanya tayong paraan at diskarte upang mabuhay lalo na sa gitna ng kahirapan. May mga taong sa kabila ng kapansanan ay nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang makatulong sa pamilya. Kaya naman nakakahabag din sila at nararapat na tulungan.

Sa Divisoria, Cagayan de Oro, naging viral ang kuwento ng kakaibang pagtulong sa taong may kapansanan. May lalaking may kapansanan na tumutugtog sa daan upang kumita. Ibinahagi ng netizen na si Ruel Quinones ang kwento sa kanyang Facebook, dahil napabilib sya sa kanyang nasaksihan.

credit to Ruel Quinones | facebook

Ayon kay Ruel, bumaba sya umano ng taxi para dumaan sa Mercury Drug ng Divisoria at may narinig siya na magndang boses na kumakanta. Ang pagkakaalam nya umano ay madalas na ang lalaking bulag ang kumakanta sa lugar na iyon. Kaya naman napatigil sya noong nakita nya ang isang babae ang kumakanta habang tumutugtog ang lalaking bulag.

credit to Ruel Quinones | facebook

Kinuhanan ni Ruel ng video ang babae at ang lalaking bulag habang sila ay nag perform. Matapos ang pag-awit ng babae ay tinanong ito ni Ruel kung bakit sya ang kumakanta. “Wala ra sir. Gusto lang nako siya tabangan…” (Wala sir. Gusto ko lang syang tulungan) ang sagot umano ng babae.

credit to Ruel Quinones | facebook

Hindi umano kaanu-ano ng babae ang bulag na tumutugtog subalit nais nya itong tulungan. Kaya naman ay naantig ang damdamin ni Ruel at binigyan ang bulag ng P100.00. Nanuod na din ang iba pang vendors dahil nagandahan sila sa boses ng babae na kumakanta, at sa muli ay nagbigay ulit si Ruel ng pera.

credit to Ruel Quinones | facebook

Napag-alaman ni Ruel na Regine ang pangalan ng babae.  “La lang, I just feel like it’s worth sharing,” saad ni Ruel.

Nagkomento naman si Adlin Remirez na aktibong miyembro pala umano si Regine Carpio sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at miyembro pa ng Alto’s in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.

Mas lalong humanga ang mga netizens dahil sa magandang boses at kabutihang loob ni Regine. Marami rin ang nagbigay ng komento sa video na naupload ni Ruel.

“You have a golden voice with a golden heart, sharing your talent to help others. God bless you, Regine.” wika ng isang netizen.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here