Sponsored Links

Kasabay ng makabagong teknolohiya, nagiging mas malikhain na din at innovative ang mga tao ngayon. Maraming bagay ang naiimbento at nagagawa sa mga materyal na hindi mo akalain na pwede pa lang magamit.

photo credit to Jeff Mangs | Facebook

Isang kahanga-hangang halimbawa ng malikhaing kaisipan ay ang pag-gawa ng bahay na yari sa amakan. Maaring hindi pa ito gaanong sikat na sikat at gusto ng marami ngunit kung iyong titingnan ay napaka-kakaiba nito dahil ito ay gawa sa kawayan.

photo credit to Jeff Mangs | Facebook

Kapansin-pansin ang bahay na ito na napaka-simple lamang tingnan sa labas dahil ito kalahating gawa sa amakan at kalahati naman ay konkreto.

photo credit to Jeff Mangs | Facebook

Napaka payak lang ang panlabas na anyo nito at makikita na gawa sa kahoy ang bintana at pintuan nito. Ngunit magugulat ka sa iyong pagpasok. Napaka-gara ng interior o loob ng bahay at hindi mo talaga iisipin na amakan ang kanyang panlabas na itsura.

photo credit to Jeff Mangs | Facebook

Sa living room ay makikita ang isang magandang sofa na kulay gray at mga unan na may ibat-ibang disenyo na may kombinasyon ng kulay itim at puti. Mayroon ding maliit na wooden center table. Dagdag din sa nagpaganda ang makapal na kurtina na kulay gray, mga frames sa dingding, bilog na salamin at orasan, pati na rin ang blinds na kulay itim at gray sa bintana. Ang living area ay may tray-type na kisame kung saan naroon ang isang ilaw.

photo credit to Jeff Mangs | Facebook

Ang isang bedroom naman na ito ay may geometric accent dahil sa checkered na itim at puti na kama, disenyo ng sahig, isang malaking wooden cabinet, at isang wooden rack sa katabi nito. Mapapansin din ang LED lights sa bandang dingding papunta sa bintana.

Ang isang kwarto naman na ito ay may kaparehas din na higaan sa naunang kwarto, may bintana na mayroon blinds na gray at black ang kulay, at may malaking painting na nakasabit sa dingding.

Kahit hindi man kalakihan itong bahay, masasabing maganda pa rin ito dahil sa natatanging anyo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here