Home News Isang rider nakakabilib ang pagmamahal sa mga asong gala sa kalye, nakuhanan ng larawan sa pagpapakain nito sa isang aso sa kalye ng Rizal

Isang rider nakakabilib ang pagmamahal sa mga asong gala sa kalye, nakuhanan ng larawan sa pagpapakain nito sa isang aso sa kalye ng Rizal

0
Isang rider nakakabilib ang pagmamahal sa mga asong gala sa kalye, nakuhanan ng larawan sa pagpapakain nito sa isang aso sa kalye ng Rizal
Sponsored Links

May mga tao na likas talaga ang kabaitan at pagmamahal sa mga hayop kahit na hindi nila ito pagmamay-ari. May mga tao na namumulot ng mga gumagala na pusa o aso sa kalye at dinadala sa kanilang tahanan upang kupkupin at alagaan.

photo credit to Jozel Anne Quiambao | Facebook

Isang netizen na nagngangalang Jozel Anne Quiambao ang nagbahagi ng isang nakakataba sa puso na pangyayari na kanyang nasaksihan. Isang rider ng JoyRide sa probinsya ng Rizal ang nagpakita ng kabutihang loob, hindi sa kapwa tao kundi sa hayop na pagala-gala sa kalye. Ayon sa uploader ng mga larawawn, bumili umano ng pagkain ang rider at pagkatapos nito kumain ay umalis na sya ngunit huminto ito bigla nang may nakita itong asong gala.

photo credit to Jozel Anne Quiambao | Facebook

“Bumili po kasi siya sa store namin ng burger and milk tea tapos may mga aso na gumagala po dito. Tapos sabi niya sa’kin ‘pabili isang order ng siomai,’ wag na daw lagyan ng mga toyo. Tapos nung nakita ko po na binigay niya sa aso hindi ko na po pinabayaran.  Kasi nga dog lover rin po ako at ginagawa ko rin po ‘yun,” pahayag ni Jozel sa kanyang post sa Facebook.

photo credit to Jozel Anne Quiambao | Facebook

Hindi lamang unang beses umano na ginawa iyon ng rider dahil nagbabaon umano ng lalagyan ng pagkain para ibigay nya sa makakasalubong na mga aso sa daan.

photo credit to Jozel Anne Quiambao | Facebook

“Tapos nagkwento siya sa amin po na lagi siya may dala na tupperware na pagkain at kanin para sa tuwing may makikita siya na aso bibigyan niya po ng pagkain. Pinagtitipon-tipon niya po tapos papakainin niya. Marami rin daw po kasi siyang aso sa kanila kaya napaka mapagmahal niya rin sa mga aso,” banggit pa ni Jozel.

photo credit to Jozel Anne Quiambao | Facebook

Bumilib talaga si Jozel sa kabutihan ng rider kaya naman minabuti nyang ibahagi ang kwento sa kanyang Facebook. “Sobrang nakakataba po ng puso tsaka medyo napaluha ako kasi ang bait po ni kuya,” wika ni Jozel.

Sana ay marami pang katulad ni kuya rider na nagmamalasakit sa mga asong sa kalye, na walang matinong tirahan at maayos na pagkain.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here