Sponsored Links

Ikaw ba ay may alagang aso o pusa? Maraming tao ang nahihilig sa pag-aalaga ng mga hayop dahil ito ay nagbibigay aliw sa kanila, nagiging kasama sa bahay, kaibigan, o katuwang upang mapanatili ang kaligtasan.

May mga taong hindi alintana ang gastos at oras na iginugugol sa mga alagang hayop, lalo na kapag ito ay marami dahil hindi nababayaran ng material na bagay ang halaga ng buhay ng kanilang mga pinakamamahal na alaga na nagiging kasapi na din ng kanilang pamilya.

credit to Metro | Facebook

Samantala, isang video sa Twitter ang naging viral dahil sa isang alagang pus ana tila naging isang gwardya at rescue ng isang batang paslit.

Makikita sa video na tila nag eenjoy ang bata mula sa balcony ng kanilang condominium. Nakatayo ito at tila sumasayaw pa, at naroon naman sa gili ang isang malaking pusa na mukhang nanonood ng mga tanawin sa labas ng kanilang bahay.

credit to Metro | Facebook

Sa simula ay tila normal lamang na video ang iyong mapapanuod ngunit ng biglang sinubukan ng bata na abutin ang mataan na bahagi ng railings ng balcony ay bigla itong pinigilan ng pusa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kamay nito upang hindi ito makaakyat.

credit to Metro | Facebook

Makikita pa sa video na lumingon ang pusa sa taong kumukuha ng video sa kanila na tila nais nitong sabihin na tulungan at alisin ang bata dahil alintana nito ang panganib na maaring mangyari.

credit to Metro | Facebook

Hindi naman maaring maakyat ng bata ang railings dahil ito ay mataas at maliit lamang ang bata at tila ito ay nasa isang taong gulang pa lamang.

Sinundan ng pusa ang bata at sinigurado na hindi ito makahawak sa itaas na bahagi ng railings. Tinatanggal talaga nito ang kamay ng bata sa tuwing ito ay hahawak sa railings. Nakakaaliw itong panuorin dahil tila matalino ang pusa at concern talaga sa kaligtasan ng baby.


Marami ang humanga sa aksyon na ginawa ng isang alagang pus ana kamangha-mangha.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here