Minsan may mga pangarap tayo sa buhay na hindi natin agad-agad natutupad dahil sa iba ang tinahak natin na landas. Ngunit pinatunayan ng isang netizen na kahit nagkaroon man ng “rerouting” ang kanyang pangarap, nakalipad parin ito at naabot ang himpapawid at nagtagumpay sa kanyang pangarap.

Siya ay si Chezka Gonzales – Garrido na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Nursing sa Far Eastern University. Sa kabila ng kanyang natapos na kurso, naroon pa rin ang kanyang pagnanais na maging isang piloto. Sa kabila ng pagiging isa nang mommy, ipinagpatuloy nito ang kanyang pangarap. Nag-aral muli si Chezka upang maging ganap na piloto.

Umabot ng anim na taon ang kanyang pag-aaral at training. Nagyon ay is ana syang ganap na lady pilot at masaya itong ibinahagi sa kanyang social media ang kanyang naging tagumpay. Noong 2013 ay isa pa lamang siyang flight attendant, at noong 2019 naman ay isa na syang lady pilot. Makikita sa kanyang mga larawan ang kagandahan nito at ang saya sa kanyang mukha dahil narrating na nya ang nais na marating sa buhay.

Kasama pa sa kanyang post sa kanyang social media ang kanyang paghihikayat sa mga kababaihan na abutin ang pangarap kahit na isa nang magulang, pati na rin ang paghihikayat sa mga nangangarap na maging piloto, maging babae man.

“For the aspiring pilots out there, strike the iron in hot! Let your passion roar like the engines of an airplaine. Turn your energy into productivity and the reward would be all worth it. I’m telling you, it only gets better and the learning process is fun so do not falter, keep your head up and keep inspired!” saad ni Chezka.

Ang kwentong ito ni Chezka ay naging inspirasyon sa marami lalong-lalo na sa mga kababaihan. Anuman ang kasarian, estado sa buhay, hindi ito hadlang upang hindi marating ang pangarap kahit kasing-taas pa ito ng kalawakan.