Home News Ukay-ukay Seller Online ay Nakapagpa-ayos ng Mala-Mansion na Desenyo ng Bahay

Ukay-ukay Seller Online ay Nakapagpa-ayos ng Mala-Mansion na Desenyo ng Bahay

0
Ukay-ukay Seller Online ay Nakapagpa-ayos ng Mala-Mansion na Desenyo ng Bahay
Sponsored Links

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pangarap. May mga nagnanais na magkaroon ng malaking negosyo upang kumita ng maraming pera. Ang iba naman ay gustong maging matagumpay sa pagtatrabaho at may iilan din naman na nagnanais lang ng simpleng buhay.

photo credit to Catherine Aman | Facebook

Kahit ano paman ang pangarap ng bawat isa, ang mahalaga ay gumagawa tayo ng mga hakbang upang unti-unti itong marating. Walang ‘shortcut’sa tagumpay ika nga, depende nalang kung papalarin kang maging instant milyonaryo kapag nanalo ka sa Lotto.

photo credit to Catherine Aman | Facebook

Napakaraming paraan upang kumita at magkapera. Walang nakakahiyang trabaho kung ito ay ginagawa ng marangal ay walang halong pandaraya at panloloko sa kapwa.

photo credit to Catherine Aman | Facebook
photo credit to Catherine Aman | Facebook

Isang nakakabilib na kwento ng tagumpay ang ibinahagi ng isang netizen sa Facebook kung saan ang dating lumang bahay ay nag-anyong parang mansion. Dahil sa pagiging online seller ng mga ukay-ukay si Catherine Aman, napaayos nito ang kanilang bahay na naging mukhang bago at napakaganda.

photo credit to Catherine Aman | Facebook
photo credit to Catherine Aman | Facebook

“Salamat Ukay Ukay. Lord, salamat hindi ko alam kung bakit mo ‘to pinaparanas sakin, pero sobrang nagapapasalamat po ako dahil nagbunga na po lahat ng paghihirap namin. Salamat po sa binigay niyo saakin na kalakasan ng loob. Sobrang dami niyo sakin pinaranas pero ito pala ang plano mo. Maraming salamat Lord. Kaya pala pinaransan mo saakin dati ang buhay na walang wala para magsumikap ako. Salamat Lord kasi naging stepping stone ko ang pagtitinda ng ukay. Salamat kasi pinakilala mo sakin ang ukay ukay”, wika nito sa kanyang post sa Facebook.

photo credit to Catherine Aman | Facebook

Maaaring maraming tao ang hindi gumagamit ng mga ukay-ukay na damit, bags, sapatos, at iba pang kagamitan. Subalit ito ay isang marangal na hanapbuhay at marami din naman ang tumatangkilik dito kaya’t nakaipon si Catherine ng malaking halaga.

“Mga panahong nauulanan ako, nagkakasakit ako sa kakahanap ng kalakal (retail days), sobrang hirap dati pero nagtiis ako nag tiyaga ako, naging motivation ko ang anak ko dahil mahirap ako at gusto ko masuportahan ang anak ko sa lahat ng pangangailangan niya. Sabi ko dati sa Diyos pang gatas lang sapat na. Pero sobra sobra naman ‘to. Kaya sobrang thankfuk ko talaga. Grabe naiiyak ako hanang tina-type ko ‘to. Pero yun nga, kung nasaan man kayong linya ng pagnenegosyo tandaan niyo na walang mahirap sa taong mahirap na nagsisikap. Wag kayo susuko, bangon lang, kilos lang, wag mawawalan ng pag asa kapit lang. Sa negosyo, hindi ka kikita kung hindi mo sisipagan at hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan”, dagdag pa ni Catherine sa kanyang pagbabahagi ng mga pinagdaanan sa negosyo.

https://www.facebook.com/eonnikatboutique2018/posts/979482632494071

Nais umano nito makapag inspire ng maraming tao kaya ibinahagi nya ang nakamit dahil sa pagnenegosyo ng ukay-ukay online. Dahil umano sa sipag at tiyaga at sa paniniwala na magtatagumpay, ay walang imposible sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here