Home News Batang 6 na Taong Gulang ay Nagpaabot ng Tulong sa Kanyang mga Kapwa Bata sa Kanilang Barangay

Batang 6 na Taong Gulang ay Nagpaabot ng Tulong sa Kanyang mga Kapwa Bata sa Kanilang Barangay

0
Batang 6 na Taong Gulang ay Nagpaabot ng Tulong sa Kanyang mga Kapwa Bata sa Kanilang Barangay
Sponsored Links

Sa gitna ng pagsubok, kahirapan, at mga kaguluhan na nangyayari sa ating paigid, minsan ay mas mabuti nalang na bumalik sa mga panahong wala ka pang muwang sa mundo, at tanging paglalaro lang ang iniisip. Subalit, kahit sa mga bata ngayon ay hindi narin natin maitatago ang ipinagdadaanan ng mundo.

Photo via Don Rishmond Cerbito | Facebook

Naging isang malaking inspirasyon ang batang si Don Rishmond Cerbito, or Monmon na mas piniling tulungan ang kanyang mga kapwa bata na makabili ng gamit sa pag-aaral kaysa bumili ng kanyang mga bagong laruan.

Photo via Don Rishmond Cerbito | Facebook

Si Monmon ay nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan at ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang isang OFW sa Middle East at isa naming online seller ang kanyang ina.

Photo via Don Rishmond Cerbito | Facebook

Nakipag-ugnayan umano ang mga magulang ni Monmon sa mga opisyal ng Barangay Citrus, Sapang Palay, upang maipamigay ang mga regalo ng kanilang anak sa mga kapwa bata nito sa kanilang barangay. Namigay umano school supplies kagaya ng plastic envelope, lapis, eraser, sharpener, crayons, at papel sa mga batang papasok sa Kinder at Grade 3.

Photo via Don Rishmond Cerbito | Facebook

Noong nakaraang buwan ay namigay din daw umano si Monmon ng gatas sa mga bata.

“Nung time po [na] nag-start ‘yung pandemic, nakita n’ya po sa Facebook ‘yung mga batang dumedede ng tubig na may asukal lang at kape,” wika ng kanyang ama sa panayam sa ABS-CBN.

Photo via Don Rishmond Cerbito | Facebook

“Hindi naman po kasi kami mayaman… ‘Yung anak ko lang po kasi nag-request sa’min na tulungan namin yung mga batang nangangailangan sa lugar namin,” dagdag pa ng ama ni Monmon.

Hindi man daw sila mayaman, subalit nasiyahan sila sa busilak at magandang puso ng anak na nagnanais na makatulong sa kanyang kapwa sa kanyang murang edad.

“Natuwa po kasi ako sa anak ko. Sa murang edad n’ya po, nagkaroon s’ya ng concern sa kapwa bata n’ya … Kaya sinuportahan po namin s’ya sa gusto n’ya.”

“Dapat may pakialam tayo sa mga taong nasa paligid natin … dahil kung anong gagawin mo, ‘yun ‘yung matutunan din ng anak mo,” banggit pa ng ama ni Monmon.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here