Home News Ulirang ama na isang hospital cook, Kasama ang anak habang nagtratrabaho ito dahil abala din ang kanyang asawa

Ulirang ama na isang hospital cook, Kasama ang anak habang nagtratrabaho ito dahil abala din ang kanyang asawa

0
Ulirang ama na isang hospital cook, Kasama ang anak habang nagtratrabaho ito dahil abala din ang kanyang asawa
Sponsored Links

Masaya ang magkaroon ng sariling pamilya at mga anak na nakakapagbigay inspirasyon, lakas ng loob at saya. Ngunit hindi ibig sabihin ay araw-araw na masaya, at walang problema. May mga pagkakataon talaga na masusubok ang tatag ng isang pamilya, at ang pagmamahalan.

credit to Vinz Manalo Bobo | Facebook

Kamakailan lamang ay naging viral ang larawan ng isang amang kasama ang kanyang anak habang ito ay nasa trabaho.  Si daddy Vinz Manalo Bobo ay isang cook sa Palawan Adventist Hospital sa Puerto Princesa sa Palawan.

Hindi lamang nya basta dala ang kanyang anak kundi ito ay literal na nakadikit sa kanyang likod gamit ang isang baby carrier habang si Vinz ay makikitang naghahanda ng mga sangkap sa kanyang iluluto.

credit to Vinz Manalo Bobo | Facebook

Sa kanyang post, wika nito “Kapit lang anak ko… Kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para my pambili ng gatas mo 😍😅. #backride #joyride #inspired”.

Ayon kay Vinz, minabuti na lamang nitong dalhin ang kanyang anak dahil nasa clinic umano ang kanyang asawa kasama din ang isa pa nilang baby. Sa halip na umabsent sa trabaho ay mas pinili ni Vinz na magduty at isama nalang ang kanyang baby na naiwan sa kanyang pangangalaga.

Umani ito ng maraming reaksyon sa mga netizens. May mga lubos na humanga sa kanyang kasipagan, pagiging responsible at madiskarteng ama. Samantala, marami din naman ang nabahala sa kalagayan ng baby dahil umano ay delikado iyon para sa kanya. Maari itong mapahamak sa kusina habang nagluluto ang kanyang ama.

credit to Vinz Manalo Bobo | Facebook

Ngunit siniguro naman ni Vinz na nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak at ayaw nya din na may mangyaring masama dito.

Bumilib ang mga netizens dahil umano ay napakamatulungin na asawa si Vinz dahil hindi nya pinapabayaan ang kanyang asawa na mag-alaga ng kanilang anak.

Tunay ngang nakaka-antig ng puso ang eksenang ito. Lahat nga ay kayang gawin ng isang magulang para lamang sa kanyang anak.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here