Sponsored Links

Dahil sa pandemya, naging limitado ang ating mga pagtitipon lalo na sa mga pampublikong lugar. Mas ligtas ang pagpapatupad ng physical distancing, paghuhugas ng kamay, at pagiging malinis sa katawan at paligid. Maliban pa sa mga panlabas na kalinisan at pag-iingat, mainam din na panangga sa anumang sakit ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain lalo na ng mga gulay.

Credit to St. John Bosco Parish | Tondo via Facebook

Isang kahanga-hangang proyekto ang matagumpay na ginawa ng halos 17 barangay sa nasasakupan ng distrito ng Tondo Maynila kasama ang pangunguna ng St. John Bosco Parish. Hindi mo aakalain na ang dating isang malawak na soccer field ay ginawa nilang isang napakalaking vegetable garden.

Ang naturang soccer field na may sukat na 125 meters by 85 meters o aabot sa 10, 625 square meters ay naging isang masaganang gulayan na napakikinabangan na ng maraming mga residente lalong-lalo na ngayon.

Credit to St. John Bosco Parish | Tondo via Facebook

Ayon sa post ng St. John Bosco Parish- Tondo sa kanilang Facebook account, Ang proyektong ‘Buhay sa Gulay’ ay isinasagawa ng DAR sa pakikipagtulungan sa St. John Bosco Parish, Department of Agriculture (DA), at ang lokal na pamahalaan ng Maynila, kung saan ang 8,000 metro-kwadradong bakanteng football field ng simbahan ay ginawang urban vegetable garden na pinagtaniman ng iba’t ibang gulay na mapakikinabangan ng mga pamilya at residente ng 17 barangay ng Parokya.”

Credit to St. John Bosco Parish | Tondo via Facebook

Sa gitna ng pandemya, limitado man ang kilos ng mga mamamayan ngayon, ngunit hindi talaga nawawalan ng diskarte ang mga pinoy upang maka-ahon sa kahirapan na hinaharap. Kaya naman, wala mang mga bata ang nakakapag-soccer sa naturang playground, nag-eenjoy naman ang mga residente doon sa masaganang ani ng mga gulay tulad ng saluyot, calabasa, pechay, spinach, Chinese kangkong, at iba pa.

Marami ang nagagawa ng tulong-tulong kagaya na lamang ng proyektong ito na pinangungunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR), katuwang ang Department of Agriculture (DA), St. John Bosco parish at ang Manila Local Government.

Credit to St. John Bosco Parish | Tondo via Facebook

Ayon pa sa post ng St. John Bosco Parish- Tondo maaring bumili ang kahit na sinong gustong bumili ng kanilang mga gulay, lalo na sa pagbubukas nila ng kauna-unahang urban vegetable garden Harvest Festival sa kanilang distrito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here