Home News 20 anyos na anak, gumuguhit upang makatulong mabayaran ang naiwang hospital bills ng lumisan na ina

20 anyos na anak, gumuguhit upang makatulong mabayaran ang naiwang hospital bills ng lumisan na ina

0
20 anyos na anak, gumuguhit upang makatulong mabayaran ang naiwang hospital bills ng lumisan na ina
Sponsored Links

Sadyang mahirap ang magkasakit at maospital dito sa ating bansa. Mahal ang mga gamut at mahal ang bayad sa pagpapa-ospital. Subalit, wala naman tayong magagawa kundi ang magpagamot upang gumaling at mabuhay pa ng matagal.

Subalit, isang malungkot na pangyayari sa pamilya ng netizen na si Frederick Del Mundo ang pagkawala ng kanilang ina dahil sa pneumonia at tuberculosis. Naospital pa ang kanilang ina subalit binawian din ng buhay. Ang mahirap pa sa kanyang paglisan ay naiwan ang kanyang mga anak na may malaking bayarin sa ospital

Ayon kay Frederick Del Mundo, isa sa mga anak na nagbahagi ng kwento, umabot na sa Php 500, 000 ang kanilang utang sa ospital kung saan noon na admit ang kanilang ina. Kahit na namatay na ito ay kinailangan pa rin nilang bayaran ang kanilang hospital bill.

Frederick Del Mundo

Sa kabila ng pagiging bunso sa magkakapatid, naghanap si Frederick ng paraan upang makatulong na mabayaran nila ang utang sa ospital.

Pagguhit ang isa sa mga natatanging talent ni Frederick, at hindi maikakaila na mahusay talaga ito. Kaya naman minabuti nyang gamitin ang talent upang masolusyunan ang suliranin ng kanyang pamilya.

Frederick Del Mundo

Kung noon ang kanyang pagguguhit ay daan patungo sa kanyang mga pangarap ngayon naman ang kanyang mga larawang maiguhit ay magiging pambayad sa utang ang pupuntahan ng perang malilikom nya.

Maraming netizens ang naawa sa kanya at marami din ang humanga dahil sa angkin nitong husay sa pagguhit pati na rin ang kanyang pamamaraan upang kumita ng pera at makatulong sa kanyang pamilya.

Frederick Del Mundo

Makikita din sa kanyang Facebook posts ang ilan sa kanyang mga gawa, mga sikat na movie characters, mga artista, at mga ordinaryong taong nagpapagawa ng portrait sa kanya.

Malaki ang naitulong ng pagguhit ni Frederick at ngayon ay nasa P260,000 na lamang ang kanilang bayarin sa ospital. Malaki ang kanyang pasasalamat sa suporta na natatanggap nito sa mga tao, at patuloy pa rin syang tumatanggap ng mga nagpapaguhit upang tuloy-tuloy ang kanyang trabaho at mabayaran na nila lahat ang utang sa ospital.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here