Sponsored Links

Kung sa pag-ibig ay “Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”, para naman sa food delivery rider na ito ay “hahamaki ang lahat maideliver lamang” ang mga order na pagkain ng kanilang customers.

Naging viral ang Food Panda Rider na ito sa Thailand na nagngangalang Tanyapisit Eiamkitjakarn dahil sa pinamalas nitong sipag, dedikasyon at pagtityaga sa kanyang trabaho bilang delivery man ng Food panda.

credit: Pradit Saengdee | Facebook

Mayroon mga umorder ng pagkain sa kabilang dako pa na kinailangan pa ng rider na tumawid sa tubig. Hindi nag atubili ang rider na magserbisyo at ihatid ang order ng customers kaya naman naghanap sya ng paraan paano sya makatawid sa tubig.

credit: Pradit Saengdee | Facebook

Gumamit ng maliit na bangka ang rider at nagsagwan ito papunta sa mga umorder ng pagkain. Namangha sa kanya ang isa sa kanila na si Pradit Saengdee, kaya’t kinuhanan nya ng video ang delivery rider ng Food Panda.

credit: Pradit Saengdee | Facebook

Inupload nito sa Facebook ang post na may caption na “Food Panda now has marine delivery services.” Ayon kay Pradit, nasa gilid pa lamang sya ng ilog noong sya ay umorder ng pagkain, subalit nangisda muna sila. Tumawag umano ang rider noong malapit na sya sa lokasyon ng mga umorder, at nabigla ito na kilala nya pala ang umorder, kaya’t hindi na din sya nagdalawang isip.

credit: Pradit Saengdee | Facebook

“So proud of this hard-working man. If he doesn’t know how to drive a boat or without a boat, he’ll have to wait” saad naman ng isang netizen.

Marami ang napabilib kay Tanyapisit Eiamkitjakarn dahil sa ibang level ng pagtatrabaho bilang delivery guy ng Food Panda. Naging instant celebrity agad sya sa Thailand sa kanyang ipinakitang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.

credit: Pradit Saengdee | Facebook

Marami naman ang natuwa at nainspire sa kwento. Mayroon din naming mga natawa dahil nakasuot pa rin ng helmet si Tanyapisit Eiamkitjakarn kahit nasa bangka na ito.

“An extra nautical mile….cause delivery was completed on water surface…..👌 In Panda we trust….everywhere and in all conditions….Seems that the 2 fishermen did not catch much to provide their lunch and booked on Panda app. The power of technology”, wika naman ng isang netizen.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here