Home News 21 taong OFW sa Saudi Arabia, naging palaboy sa Luneta pagkatapos pinabayaan ng pamilya dahil wala ng maibigay

21 taong OFW sa Saudi Arabia, naging palaboy sa Luneta pagkatapos pinabayaan ng pamilya dahil wala ng maibigay

0
21 taong OFW sa Saudi Arabia, naging palaboy sa Luneta pagkatapos pinabayaan ng pamilya dahil wala ng maibigay
Sponsored Links

Ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay isa sa mga makabagong bayani na ating maituturing. Hindi biro ang sakripisyo na kanilang ginagawa para lamang mabuhay at suportahan ang pamilya. May mga ina na iniiwan ang sariling mga anak upang mag-alaga ng ibang bata, mga amang nauulila sa mga anak upang kumayod at makapagpadala para sa pangangailangan ng pamilya, at anak na nasasabik sa alaga ng isang ina sa tuwing nakakaramdam ng matinding pagod at pagkalungkot dulot ng homesickness.

May mga ngiti man sa kanilang mga mukha sa mga larawan na nakikita natin sa social media, at sa tuwing sila ay nagvi-videocall, hindi pa rin natin maiaalis ang kanilang pangungulila sa pamilya at ang pagnanais na makapiling sana sila lalo na sa mga espesyal na araw.

Samantala, sa kabila ng kanilang mga sakripisyo, puyat, pagod, pawis, at gutom na tinitiis para lamang makapagpadala ng mas malaki, may ilang mga OFW ang nakakaranas ng hindi mabuting pagtrato ng pamilya.

Kagaya na lamang ng kwento ni Ramon Nabuhay, 61 taong gulang at 21 taon umanong nagtrabaho sa Saudi Arabia. Ibinahagi ng netizen na si Aileen Mariquit Sombise ang kwento ni Ramon na umano ay palaboy-laboy na lamang sa lansangan, walang maayos na tirahan at walang makain sa araw-araw.

Hindi umano inaasahan ni Ramon na sasapitin nya ito pagkatapos nyang tulungan ang kanyang kapatid at pag-aralin pa ang kanyang pamangkin. Ngunit dahil sa kanyang katandaan at iniindang sakit sa kanyang paa, nagpasya itong umuwi na ng bansa at magpahinga. Dahil sa wala na umanong maibigay na pera at tulong sa kanyang mga kamag-anak, pinabayaan nalang nila ito na palaboy-laboy sa Luneta.

Napakasakit nga ng sinapit nito sa kanyang mga kamag-anak dahil ibinigay nya ang lahat ng kanyang maitululong at ito ang naging ganti sa kanyang pagsakripisyo.

Isa itong malaking aral para sa lahat ng mga OFW na naghihirap sa ibang bansa upang matulungan ang pamilya na huwag din kalimutan ang sarili. Maglaan ng sariling ipon at investment upang hindi mahirapan sa mga oras na wala ng trabaho at kailangan ng magpahinga.

Wika nga ng netizen na si Aileen sa kanyang post, “OFW..Lessons, huwag puro bigay ng bigay, matuto tayong magtira sa sarili natin.”

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here