Home News Isang guro, labis na nalungkot dahil sa Zoom classes na walang dumalo kahit isang estudyante

Isang guro, labis na nalungkot dahil sa Zoom classes na walang dumalo kahit isang estudyante

0
Isang guro, labis na nalungkot dahil sa Zoom classes na walang dumalo kahit isang estudyante
Sponsored Links

Marami ang pagbabago na naidulot ang pandemya sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang mga negosyo, trabaho, transportasyon ay apektado, at ang mga pampublikong mga pagtitipon-tipon ay hindi na pinapayagan upang malimitahan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.

Samantala, hindi lamang pampublikong pagtitipon ang ipinagbawal kundi pati na rin ang face-to-face nap ag-aaral ng mga estudyante dahil mas ligtas umano ang mga mag-aaral pati na rin ang mga guro kung mananatili na lamang muna pansamantala sa loob ng kanilang tahanan.

credit: @skinleas / Twitter

Hindi naman nahinto ang klase dahil ipinatupad ng Department of Education (DepEd) pati na rin ng Commission on Higher Education (CHED) and remote learning kung saan ang mga estudyante ay maaaring mag-aral sa pamamagitan ng kanilang modules o pagdalo sa kanilang online classes.

Marami ang nahirapan sa bagong sistema ng pag-aaral lalo na ang mga estudyanteng walang kumpleto o maayos na kagamitan kagaya lamang ng laptop at maayos na Internet connection para sa online classes.

Sa kabilang dako, hindi lamang mga mag-aaral ang nahihirapan sa new normal learning dahil pati na ang mga guro lalo na ang mga matatanda na hindi naabutan ang pag-gamit ng mga makabagong teknolohiya ay nangangapa rin ngayon at nahihirapan sa pagtuturo.

credit: @skinleas / Twitter

Ayon kay Nuha, isang netizen na nagbahagi ng kwento ng kanyang amang guro sa Malaysia, nagpapatulong umano sa kanya ang kanyang ama para sa kanyang klase gamit ang app na Zoom dahil sa video conferencing ang kanilang klase. Naawa umano si Nuha sa kanyang ama dahil wala umano itong nadatnan na online na mga estudyante nito sa kanilang 8:30 na schedule.

“Pity my father, he’s conducting a class and not a single one of his students showed up. Until he had to call them one by one, and they didn’t even pick up. They know that my father will call them on days when they have classes, so they turned off their phones,” pagkukwento ni Nuha.

“He almost wanted to cry because he was so excited when he asked us to teach him how to create a Zoom meeting/Google Meet. But when he created it and no one joined, he got choked up, because only we know how his face was when he was excitedly asking us to teach him,” pahayag pa nito.

Nagapabatid naman ng paghingi ng kooperasyon sa mga estudyante ng kanyang ama na sana ay dumalo sila sa klase upang hindi na ito malungkot.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here