Sponsored Links

Madalas ang mga magulang ang nagbibigay ng regalo sa mga anak lalo na kapag bata pa ang mga anak. Bibihira ka lamang makakarinig na ang isang bata ay nag-iisip na bigyan ng regalo o sorpreso ang kanyang nanay o tatay.

Samantala, isang nakakatuwa at napaka-cute na kwento ang ibinahagi ng isang Malaysian na ina.

Sumarnie Edison / Facebook

Ibinahagi sa Facebook ni Sumarnie Edison, taga Kota Kinabalu, Sabah in Malaysia ang kwento tungkol sa kanyang anak na anim na taong gulang pa lamang ngunit niregaluhan sya ng isang gold ring.

Kakatapos lang umano ng 6th birthday ng batang si Afiq, anak ni Sumarnie. Binigyan nya umano ito ng pera na nagkakahalaga ng RM5 o nagkakahalaga lamang ng P60.00 dito sa Pilipinas. Dahil nga bata pa si Afiq, hindi nya alam ang tunay na halaga ng kanyang pera.

Sumarnie Edison / Facebook

Isang araw habang wala ang kanyang ina, nagpagupit sa barber shop sina Afiq, kasama ang kanyang kapatid at ang kanilang ama. Sa harap ng barber shop ay may Nakita silang isang jewelry shop. Pinilit at niyaya umano ni Afiq ang kanyang ama na bilhan ang kanyang ina ng singsing gamit ang per ana ibinigay sa kanya noong birthday nya.

Kailangan nila ng RM260 (Php3, 050.00) na halaga upang mabili ang singsing na napili ni Afiq para sa kanyang ina. RM300 lang umano ang pera ng ama ni Afiq, ngunit hindi nila iyon maaring gamitin lahat sa pagbibili ng singsing dahil kailangan pa nilang magbayad sa kanilang pagpapagupit.

Sumarnie Edison / Facebook

Binigyan lamang ng ama ng RM70(Php825.00) itong si Afiq, dinagdagan na nya ang kulang mula sa kanyang mga naipon at mga naibigay sa kanya na pera sa kanyang birthday.

Kinunan si Afiq ng litrato ng kanyang ama habang namimili ng singsing sa kanyang ina. Ikinwento na ito ng kanyang ama sa kanyang ina at sinabihan lang ito na magkunwari na hindi nito alam ang surpresa ng anak.

Masayang-masaya at excited si Afiq na ibigay sa kanyang ina ang sorpresa. Tunay ngang kakaibang pagmamahal ng bata sa kanyang ina dahil mas inuna pa nito na bilhan ang kanyang ina kaysa bumili ng mga laruan para sa kanyang sarili.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here