Sponsored Links

Sa panahon ngayon, hindi basta-basta ang magkaroon ng investment, lalong-lalo na ang pagpapatayo ng sariling bahay o pagbili ng mga mamahaling kagamitan. Mas mainam at maraming mabuting benepisyo ang pagiging wais sa pag-gamit ng pera lalo na pagdating sa pag-gagastos.

Iba-iba man ang hilig ng mga tao, Malaki pa rin ang naitutulong ng maayos nap agba-budget lalo na sa loob ng bahay. May iilan na mahilig bumili ng mga bagong damit, sapatos, bags, o mga pampaganda. May iba naman na mahilig gumastos sa pagkain.

Samantala, ang netizen na si Agnes Mateo ay nagbahagi ng kanyang wais at magaling na investment. Nakapundar ito ng sariling bahay sa pamamagitan ng kanyang pag-iipon. Wika pa nito sa kanyang post “Saan nga ba makakarating ang iyong ipon at ang kagustuhan mong magkaroon ng sariling bahay?”

Maliit man daw ang kanilang bahay ngunit ito ay sapat na sa kanila at makakakilos sila ng maayos, may maaliwalas na pahingahan at maayos na palikuran. Hindi na rin nila kailangan pang mamroblema sa buwanang upa sa bahay dahil mayroon na silang sariling bahay.

Makikita sa mga larawan na maganda ang pagkaka-ayos ng bahay at may mga kagamitan na din ito kagaya ng TV, sofa, kama, magagandang kurtina, refrigetrator, at iba pa. Mapapansin din ang magandang kisame at ang mga modernong ilaw na nagpapaganda pa lalo sa kanilang bahay.

Si Agnes lamang umano ang nagdisenyo ng kanilang bahay at nasiyahan talaga ito dahil sa wakas ay nagbunga na din ang kanilang paghihirap, pagod at puyat.

Pabiro pa itong nagwika na kasama din ang pagpapainit sa balat at kaunting iyak upang mabuo ang kanilang pangarap na bahay. Sulit na sulit naman ang lahat ng sakripisyo at pagtityaga dahil makikita talaga na maganda ang bahay kahit na hindi ito kalakihan.

Dagdag pa ni Agnes, subok na nila ang magandang resulta ng gawa at pananalig sa Diyos kaya nila nakamit ang kanilang pangarap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here