Sponsored Links

Sino ba ang hindi gusto ng malinis, mabango, at maayos na kapaligiran? Lahat halos ng tao ay nangangarap ng magandang buhay, subalit iilan lamang ang umaaksyon at tumutulong upang makamit ito.

Kapag ang isang bayan o bansa ay malinis, ito ay madalas dinadayo ng mga turista dahil na rin sa alam nilang ligtas sila sa anumang polusyon at sakit na makukuha sa maruming paligid.

Ang Australia ay is ana marahil sa mga bans ana may napakamahusay na Sistema ng waste management at disposal kaya naman napapanatili nila ang kalinisan ng kanilang palibot hindi lamang sa kalupaang bahagi ngunit pati na rin sa mga ilog, kanal, at dagat.

Sa labis labis na pag-ulan ay maaring magkaroon ng mga pagbaha lalo na kapag barado ang mga daluyan ng tubig dahil sa mga basura. Kaya naman, isang mabisa at mahusay na paraan ang naisip ng gobyerno ng Kwinana Australia.

Marami ang humanga na mga netizens sa social media noong nakita ang mga drainage nets na gawa ng Urban Asset Solutions na ininstall ng Kwinana sa kanilang Henley Nature Reserve, Leda. Sa loob lamang ng isang buwan ay nakaka-11 beses nang ikinolekto ang mga nasalang basura mula sa dalawang drainage nets.

Ang mga malalaking drainage nets na ikinakabit sa dulo ng drainage pipes ay nakakakolekto umano ng 1, 690kg ng basura kada buwan. Pagkatapos ay kinukuha ng truck ang mga basura at dadalhin sa sortation area kung saan ihihiwalay ang mga basura ayon sa klase.

Ang bawat net umano ay nagkakahalaga ng $10,000 bawat isa. May kamahalan ito ngunit napakalaking tulong naman ang naidudulot nito sa bansa lalong lalo na sa kalikasan.

for reference

Alam naman natin na labis-labis na pagbaha ang dinanas ng bansa sa iba’t-ibang lugar. Maaring kung susubukan din natin iton drainage nets ay makakatulong din ito sa pagsugpo ng pagbabaha at mapanatili ang kalinisan ng paligid. Kasabay ng kalinisan ay ang pangangalaga din sa ating mga kabundukan, lalo na ang pagtatanim ng maraming puno na nakakatulong na maiwasan ang pagbaha.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here