Sponsored Links

Patuloy parin natin na dinadanas ang hirap gawa ng pandemya. Hindi tayo maaring basta-basta na lamang mamasyal o gumala sa labas lalo na sa mga matataong lugar. Nililimitahan ang mga pagtitipon-tipon pati na rin ang face-to-face na pag-aaral.

Sa kabila ng distance learning, online classes at modular na systema ng pag-aaral, marami pa rin ang nahihirapan dahil walang maayos na internet connection at gamit sa pag-aaral. Hindi lamang ang mga estudyante ang nahihirapan sa panahon ngayon, ngunit pati na rin ang mga magulang na tumutulong sa pagsasagot ng mga module.

Samantala, isang nakakahabag na larawan naman ang umantig sa puso ng maraming netizens. Isang larawan ng mag-lolo na nakuhanan ni Teacher Jorge Tejada, isang guro sa Senior High School.

Ang lolo na si Arnulfo Teves, 71 taong gulang at ang kanyang apo na si Daniel na 12 taon gulang ay nakuhanan ng larawan na nagtitiis sa isang liblib na lugar upang matapos lamang ang modules ni Daniel.

Humingi ng pahintulot ang guro na kuhanan sila ng larawan dahil madalas umano silang makikita sa lugar na ito dahil doon lamang mayroong mas malakas na signal. Nasa grade-7 pa lamang si Daniel at kinailangan nyang danasin ang pagsubok na ito para lamang makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa gitna ng pandemya.

Nais ni lolo Arnulfo na maipabatid sa mga guro at sa mga kinauukulan ang kalagayan ni Daniel. Araw-araw umanong naglalakad ng halos kalahating oras ang mag-lolo marating lamang ang kanilang pwesto para sa mas maayos na signal.

Sa kabila ng katandaan, si lolo Arnulfo pa umano at ang kanyang misis ang nag-aalaga sa kanyang tatlong mga apo dahil may kapansanan ang kanilang anak. Pinagkakasya lamang nila ang Php 5, 300 na pension.

Dahil sa pag-upload ni teacher Jorge ng mga larawan ni Daniel at lolo Arnulfo, marami ang naawa sa kanilang kalagayan at nagpaabot ng tulong upang hindi na kailangan pang umalis pa ng mag-lolo para lamang makapag-aral si Daniel.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here