Sponsored Links

Usong-uso ngayon ang online selling at naging malaking tulong sa maraming nawalan ng trabaho sa panahon ngayon ng pandemya. Mas malaki ang kita kapag nagbebenta online dahil hindi muna kailangan pang magbayad sa upa ng shop, bayad sa magbabantay ng store, gastos sa byahe kung malayo ang shop sa iyong tinutuluyan, at iba pa.

Hindi lamang mga babae ang nagbebenta ngayon online, pati na rin mga lalaki ay nag-la-live selling, at sumasali na din pati mga senior citizens. Kagaya na lamang ni Ma. Lourdes Domingo o mas kilala sa palayaw niyang “Mommy Luth”.

Sa segment ni Winnie Monsod sa programang “Unang Hirit”, ibinahagi ang kwento ni Mommy Ruth. Ang istorya kung paano sya naging matagumpay sa online selling.

Si mommy Ruth ay naisipang magbenta ng mga bags, hindi lamang basta-basta bags kundi mga mamahaling secondhand luxury bags. Ayon sa kanya, nais nyang gawin ito para sa kanyang pumanaw na matalik na kaibigan.

Labis syang nalungkot sa pagkawala ng kanyang kaibigan at para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan, sinubukan umano ni mommy Ruth na mag-Live selling ng kanyang mga branded bags. Hindi basta-basta ang halaga ng kanyang bag, kaya naman ay umabot sa Php 500,000 ang kinikita nya kada live session.

Mapapanuod si mommy Ruth sa Facebook Page nya na “Mommy Inspire and Prosper”, at nakabenta na sya ng 20 bags sa kanyang live selling. Hindi rin sya nahirapan na ibenta ang kanyang mga bags dahil mga magaganda ito at mga branded.

Dahil sa bagong pamamaraan ng pagnenegosyo at pagbebenta ngayon, hindi lamang ito nakakatulong na kumite kundi nakakaaliw din ito at nakakawala ng kalungkutan. Kagaya na lamang ni mommy Ruth na may pinagdadaanan at ginamit ang live selling upang maaliw.

 

Sa halip na magmukmok sa pagkawala ng kanyang kaibigan, minabuti nyang maging abala at masaya sa kanyang mga live sessions sa pagbebenta ng kanyang mga bags.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here