Sponsored Links

Bahay ang isa sa mga pinakapangunahing pangangailangan ng bawat tao. Hindi kailangan na magkaroon ng malaking bahay, ngunit ang maging komportable, ligtas at payapa ay sapat na. Ngunit dahil sa kahirapan ng iba, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay tila napakahirap.

Kagaya na lamang ng mag-asawang ito na nakatira sa Medellin Columbia, na itinuturing na pangalawa sa pinakamalaking syudad sa Columbia na mayroong mahigit 2.7 milyon na populasyon. Kasama na roon si Miguel Restrepo at ang kanyang asawa.

Nakakahabag ang kalagayan nina Miguel at ng kanyang asawa dahil nakatira lamang sila sa isang abandonadong manhole sa Medellin. Dati umanong drug addict si Miguel ngunit nagbago na rin ito. Umabot na din ng 22-taon ang kanilang paninirahan sa naturang manhole.

Ayon sa Daily Mail, ang naturang abandonadong manhole ay umaabot lamang sa 3 metro ang lapad, 2 metro ang lalim at 1.4 metro ang taas.

Kahit na maliit lamang ang espasyo, nagawa ng mag-asawa na mapagkasya ang kanilang mga gamit para mag mistulang isa ring bahay ang kanilang tinitirhan. Mayroon din silang electric fan, TV, kama, at mayroon pang organizer ang kanilang mga damit.

Lahat ng mga kagamitan nila ay bunga umano ng pagsisikap ni Miguel sa nakaraang dalawang dekada. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na nila nakayanan na magkaroon ng maayos na bahay.

Mahirap man ang kanilang buhay ay tila kontento naman silang mag-asawa at mapayapang naninirahan sa ilalim ng kalsada. May kasama pa silang aso na para na rin nilang anak.

Hindi naman nawawala sa kanila ang pangamba na kahit anong oras ay maari silang paalisin ng awtoridad dahil hindi dapat sila nakatira doon.  Subalit dahil wala na silang ibang mapuntahan, tinitiis nalang nila ang sitwasyon.

Sana ay may mahabag sa kanilang sitwasyon at mabigyan sila ng mas maayos na tirahan upang malayo sila sa peligro lalo na’t tumatanda na rin sila.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here