Home Lifestyle Bahay na Gawa sa 11 Cargo Containers, Pumukaw ng Pansin Dahil sa Kakaibang Itsura nito sa Loob

Bahay na Gawa sa 11 Cargo Containers, Pumukaw ng Pansin Dahil sa Kakaibang Itsura nito sa Loob

0
Bahay na Gawa sa 11 Cargo Containers, Pumukaw ng Pansin Dahil sa Kakaibang Itsura nito sa Loob
Sponsored Links

Marami ang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay, kahit payak basta’t komportableng tirhan at masasabing sariling pagmamay-ari.  Malaking halaga ang kaakibat ng pagkakaroon ng sariling bahay, kaya naman maraming tao ang naghahanap ng paraan upang makatipid sa pagpapatayo at pagpagawa nito.

Sa kabilang dako, naging agaw atensiyon naman sa Facebook ang isang four-storey na bahay sa Houston, USA, na gawa sa labing-isang cargo containers na pinagpatong-patong. Ito ngayon ang isa sa mga alternatibong paraan lalong-lalo na sa US na makapagtayo ng bahay o opisina.

Sa Facebook page ng Home Junkie, makikita sa mga larawan na mukhang ordinaryong mga cargo containers lamang ito na may iba’t-ibang kulay. Subalit kamangha-mangha ang loob na disenyo ng bahay. May mga unique na furniture, ilaw, may mga paintings at photo frames at mga kagamitan na napaka artistic tingnan.

Maaring mas makakatipid ang ganitong uri ng bahay at mas madaling lipatan at tirhan dahil sa kaunting oras na kinakailangan upang maayos ito at gawing bahay.  May iba’t-ibang reaksyon naman ang mga netizens tungkol ditto.

“I’ve seen these executed so much better. This literally looks like a junkyard pile of containers. But if that’s your cup of tea…. Also, the lack of windows makes the inside way too dark for me. Light is so important,” komento ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “I love the whole idea the whole thing have to be one color other than that great a recyclable idea.”

“It’s a great idea and great interior. One problem is the lack of windows but generally, I really love it. It’s an amazing creation,” wika naman ng isa.

Hindi pa nga ito nauuso sa bansa subalit isang magandang ideya at inspirasyon ang disenyo ng bahay na ito sa mga nagnanais magkaroon ng isang cargo-container house.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here