
Pabata ng pabata ang edad ng mga batang nahuhumaling sa pag gamit ng gadgets, paglalaro ng mga mobile games at pag gamit ng social media. Sa kabila ng mabuting epekto ng Internet, nariyan pa rin ang panganib sa kalusugan lalong-lalo na sa mga bat ana labis-labis ang pagbababad sa harap ng cellphone, tablet o laptop hindi para mag-aral, kundi para maglaro, manuod ng videos at kung anu-ano pang libangan.

Samantala, para mahikayat ng isang mommy vlogger ang mga kapwa mommy at mga magulang, ibinahagi nya sa kanyang Facebook page na โParenting by His Graceโ kung anu-ano ang mga pamamaraan upang maiwasan ang pag-gamit ng mga bata ng gadgets sa loob ng kanilang tahanan.
Ayon sa mommy vlogger, wala umano silang telebisyon sa kanilang bahay, at sa halip ay nagbibigay sya ng mga alternatibong activities para sa kanyang mga anay. Maraming nagkomento na imposible umano ang pamamaraan na iyon, ngunit ayon kay mommy vlogger ay napagtagumpayan naman nila at sumusunod naman ang kanyang mga anak.

โPosible naman. Kailangan lang mabigyan sila ng mga bagay na pagkakaabalahan nila instead of letting the gadget do the jobโ, pahayag ng mommy vlogger.
Hindi madali ang ganitong pamamaraan lalo na kapag nagsisimula ka palang na disiplinahin ang lifestyle ng mga bata, ngunit kapag naging seryoso ka at malikhain sa pakikitungo sa mga bata ay kusa lang silang susunod at makakalimutan ang mga gadget.
Marami na ring mga balita ang naiuugnay sa kapahamakan ng ilang mga bata dahil sa adiksyon sa paglalaro na nakakalimutan na ang tamang oras ng pagkain, at pagtulog.

Maaring nais mo rin maghanap ng paraan upang mailayo sa harap ng cellphone at tablet ang iyong mga anak, at ito ay patunay na posible at makakatulong ng malaki. Mas mainam na habang maaga ay maagapan na ang hindi mabuting pagkahumaling ng mga kabataan sa gadget lalo na kapag nalalagay na sa alanganin ang kanilang kalusugan.
{via}