Home News 93-taong gulang na lolo, masipag pang tumutulong sa pagsagot ng mga module ng kanyang apo gamit ang lente

93-taong gulang na lolo, masipag pang tumutulong sa pagsagot ng mga module ng kanyang apo gamit ang lente

0
93-taong gulang na lolo, masipag pang tumutulong sa pagsagot ng mga module ng kanyang apo gamit ang lente
Sponsored Links

Dahil sa pandemya, nagpatupad ang gobyerno ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral ng mga kabataan upang maipagpatuloy lamang nila ang kanilang edukasyon sa panahon ngayon. Sa pamamagitan ng distance learning, maaring ang mga mag-aaral ay makapag-aral online, sa pag gamit ng iba’t-ibang media sa pagkatuto kagaya ng telebisyon, at radio, o pagbabasa ng mga basahin at libro.

credit to DepEd Tayo Soccsksargen

Dahil hindi lahat ay may kakayanan na magkaroon ng Internet, ginawang alternatibo din ang pag-gamit ng modules upang matuto ang mga kabataan. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga sasagutan na modules sa iba’t-ibang asignatura at bibigyan ng ilang araw na makapagsagot bago ipasa ang mga modules.

Hindi naman maikakaila na marami din sa mga kabataan ngayon ang hirap sa pagsasagot ng kanilang mga modules, kaya naman mas mainam pa rin na mayroong ga magulang at nakakatanda na gumagabay.

credit to DepEd Tayo Soccsksargen

Samantala, naging viral ang 93 taong gulang na matandang lalaki dahil sa pagtulong nya sa kanyang apo sa pagsasagot ng mga modules.

Siya ay si Lolo Bonifacio “Boning” Gedaya Santolaja, Sr. na taga Tacurong City, Sultan Kudarat. Naibahagi ang kanyang kwento sa DepEd Tayo Soccsksargen dahil sa kabila ng kanyang katandaan at Malabo na ang mga paningin ay naroon pa rin ang kanyang pagmamahal sa mga apo at pagnanais na makatulong sa kanila. Gumagamit pa umano sya ng magnifying lens para Mabasa ang mga modules.

credit to DepEd Tayo Soccsksargen

Ayon pa sa kwento, si Lolo Boning umano ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo ngunit nakapag-aral ito ng kursong B.S. Accountancy at nakapagtrabaho bilang cashier sa isang malaking kooperatiba ng kanilang rehiyon.

Napagtapos naman ng pag-aaral ni lolo Boning ang lahat ng kanyang mga anak at ngayon ay nag-eenjoy na sya sa pagbibigay ng oras sa kanyang mga apo upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral.

Bukod pa rito, isang volunteer treasurer din si lolo Boning sa Office of Senior Citizen (OSCA) sa Tacurong City. Lahat ng ito ay ginagawa ni lolo Boning ng libre at dahil sa kanyang ‘labor of love’ ay marami syang natutulungan at napapasaya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here