Sponsored Links

Ang mga totoong mga kaibigan ang ating sandalan at karamay sa anumang panahon-masaya man o lamungkot. Natanong mo na ba sa iyong sarili kung ano na ang mga nagawa mo sa iyong kaibigan? Ano ng aba ang kaya mong gawin sa iyong kaibigan?

credit to Drayco Linnus Sudaria | Facebook

Nakakabilib ang mga batang ito na naging viral dahil sa kanilang ginawa para sa kanilang kaibigan na magdiriwang ng kaarawan. Kahit mga bata pa lamang ay nakakabilib ang kanilang bonding at pagpapahalaga sa isa’t-isa.

credit to Drayco Linnus Sudaria | Facebook

Sa post na ibinahagi ni Drayco Linnus, 12-taong gulang ng Sudaria ng Malaybalay City, Bukidnon, isinorpresa nila ang kanilang kaibigan na si Biboy na mag-11th bibirthday. Dahil umano ay walang panghanda ang kanilang kaibigan, hindi nila pinalampas ang araw na iyon na mahalaga sa kanilang kaibigan, ang pagdiriwang ng birthday.

“Kasi po, wala po silang handa sa birthday niya. Kaya nag-ambagan po kami ng kaibigan ko at pinsan ko para ibili siya ng tinapay at cupcake. Nakita namin na masaya talaga siya at na-surprise talaga siya,” saad ni Drayco.

credit to Drayco Linnus Sudaria | Facebook

Sinorpresa nilang magkakaibigan si Biboy ng handa sa araw ng kanyang kaarawan. Dahil wala din silang maraming pera dahil hindi pa naman sila nagtatrabaho, bumili lang sila ng simpleng handa kagaya ng pancit canton, tinapay, juice, cupcakes, mga chichiria.

Makikita sa larawan na piniringan pa nila ang kanilang kaibigan papunta sa kanilang bahay para sa sorpresa. Natuwa naman ang kanilang kaibigang si Biboy dahil naging extra-special ang kanyang kaarawan kahit sa simpleng handa na handog ng kanyang mga kaibigan.

credit to Drayco Linnus Sudaria | Facebook

Maraming netizens naman ang natuwa sa ginawa ni Drayco at ng kanilang grupo. Marami ang nagpa-abot din ng pagbati kay Biboy at nagbigay pa ng mga cakes at ice cream para sa kanyang birthday.

“That’s why money can’t buy happiness, basta totoo yung tropa mo masaya nayun basta magkasama kayo hanggang sa mga pangarap sa buhay, sana mag kaibigan parin kayo hanggang sa pagtanda nyo godbless kiddos!!” komento naman ng isang netizen.

credit to Drayco Linnus Sudaria | Facebook

“Happy birthday.. Blessed ka kc may mga kaibigan kang mababait.. Sana gang sa paglaki nyo ganyan pa din kayo..” banggit naman ng isang netizen na natuwa sa mga batang ito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here