Sponsored Links

Tunay ngang sa lahat ng mga alaga, ang aso ay maituturing talaga na “man’s bestfriend” dahil sa pagiging tapat nito, maalagain sa amo, at pagiging maprotekta. Kagaya na lamang ng isang nakakalungkot ngunit nakakabilib na kwento ni Yap Y. F.

Natagpuan umano nila ang isang aso sa kalye at mukhang may sakit at napakatamlay nito. Madalas nila itong makita kaya naisipan na lamang na palagi itong bigyan ng pagkain dahil naawa sila. Hanggang sa sinabihan sila ng isang animals rights group na ampunin nalang ang aso.

credit to Yap Y.F. | Facebook

Naging bukas naman ang kanilang tahanan at masayang inuwi ang asong husky, at pinangalanan nila ito “Dai Bao”.

“After raising him for about three months, Dai Bao recovered his health, gained weight and became a handsome and cute dog, which brought a lot of joy to our family members,” pahayag ni Yap.

credit to Yap Y.F. | Facebook

Naging masaya ang pamilya ni Yap dahil sa pagbabago na kanilang nakita kay Dai Bao simula noong siya ay kinupkop nila.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang gumulat sa kanila noong isang araw na may pumasok na cobra sa kanilang bahay. Nagmistulang isang hero si Dai Bao dahil nakipaglaban sya sa ahas. Napatay nya at natalo ang cobra subalit nakagat din sya nito at sa kasamaang palad ay nalason sya ng kamandag ng ahas.

credit to Yap Y.F. | Facebook

Dali-dali pa syang idinala sa vet ng pamilya ni Yap ngunit hindi na sya nailigtas pa.

“A very heartbreaking day, our baby, Dai Bao, is gone. This morning, we even managed to play and chase each other around and took videos, I didn’t expect that that would be the last time. On 19 July 2019, I took you home with your bad smell and serious skin disease. You have been in our home for less than two years, and you left,” pahayag ni Yap.

credit to Yap Y.F. | Facebook

Malaki ang pasasalamat nila sa buhay ni Dai Bao dahil kung hindi nya napatay ang cobra ay maaring is ana sa pamilya ni Yap ang nabiktima ng ahas.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here