Halos lahat naman ay nangangarap ng magandang kasal-maayos, masaya, kasama ang pamilya at mga mahahalagang tao sa inyong buhay. Subalit ang pagpapakasal ay hindi lamang patungkol sa lahat ng mga material at pisikal na mga paghahanda. Ang pagpapakasal ay sagrado, at hindi naman kailangang maging magarbo. Ang mahalaga ay nagmamahalan at handang tanggapin at harapin ang hamon ng pag-iisang dibdib.

Dahil sa pandemya, maraming kasal din ang naapektuhan dahil ipinagbawal na ang malaking pagtitipon upang mas mapanatili ang kaligtasan ng lahat. Samantala, sa kabila ng pandemyang ikinakaharap, marami pa rin ang hindi napigilan sa kanilang pagpapakasal, katulad na lamang nina Camille Alicando, at Ben Gendrano.

Si Camille ay isang stylist, at si Ben naman ay isang content creator sa kanyang page na Emil Works. Ang couple na ito ay nasa Dubai kung saan hindi rin exempted ang lugar sa kumakalat na sakit ngayon.

Noon pa nila pinaghandaan ang kanilang kasal at hindi nila inaasahan ang pagdating ng matinding pandemya na magiging problema sa kanilang kasal. Kinailangan umanong ikansela nina Camille at Ben ang kanilang hotel reception reservation para sa 40 katao dahil bawal na ang pagtitipon.

Minabuti ng dalawa na magkaroon na lamang ng simpleng civil wedding ceremony sa kanilang bahay. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ni Camille at Ben ay nagmistulang mala-fairytale wedding set-up ang kanilang venue sa loob mismo ng kanilang tahanan. May tema itong rustic, bohemian picnic area, throw pillows, potted indoor plants at fairy lights.

“None of our friends are working in events nor in weddings. They are normal people with very creative minds. It was the day before the wedding when they asked me and my husband to book a hotel room for the day so they could decorate the house without us seeing the process and the final look”, wika ni Camille.


Laking gulat nila at pagkamangha sa napaka gandang set-up ng kanilang wedding venue. “When we saw our house, we were both astounded by the beauty and I nearly cried”, dagdag pa nito.

At dahil sa pagiging resourceful at creative ng kanilang mga kaibigan, umabot lamang sa Php40, 000 pesos ang kanilang nagastos sa kanilang napaka-intimate, elegante, at mala fairytale na kasal.