Sponsored Links

Taon-taon bukod sa Pasko at New Year, marami din ang nag-aabang sa buwan ng Abril dahil sa April’s Fools Day. Marami ang nagigiliw sa mga pagbibiro sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, kasamahan sa trabaho o mga kakilala.

Iba’t-ibang mga kompanya ang gumawa din ng kani-kanilang gimik sa April Fools Day. May ibang nag anunsyo na mayroon silang bagong produkto na e-launch, may iba namang gumawa ng mga kataw-tawang pangalan para sa kanilang mga produkto.

credit: Pizza Hut

Kakaibang gimik naman ang ginawa ng isang Pizza Hut outlet sa Malaysia. Ang kanilang April Fools’ Day prank ay ginawa sa pamamagitan ng pag-gamit ng isang Ferrari na sasakyan upang magdeliver ng kanilang pizza sa mga customers na umoorder.

“Pizza Hut has always been known for bringing so much more than just ‘pizza’ – everything we do celebrates the pizza itself, the power it has to turn an ordinary moment into a fun and memorable one,” pahayag ni Emily Chong, Chief Marketing Officer ng Pizza Hut sa Malaysia.

credit: Pizza Hut

“This year, what better way to celebrate and amp up the fun spirit of April’s Fools Day than by pranking our customers with an unexpected twist in our delivery service”, dagdag pa nito.

Ang naturang marketing strategy ay ginawa upang maging viral sa April Fools Day at makatulong na mapagaan ang pakiramdam ng mga tao lalo na ng mga customers ng Pizza Hut lalo na ngayon na nasa kalagitnaan tayo ng pandemya.

Nakaka-good vibes na ang pizza subalit mas kakaiba pa rin kung ito ay idedeliver sa iyong bahay at makikita mo ang isang mamahaling sasakyan kagaya ng Ferrari na nag deliver mismo ng order mo. Tunay na kakaibang experience!

credit: Pizza Hu

Maraming mga netizens ang natuwa at mayroon din namang mga nainggit dahil hindi nila ito naexperience sa kanilang pag-order ng pizza sa ibang stores. Sana umano ay buong taon na lang na maging service ng Pizza Hut ang Ferrari at tiyak na dadami lalo ang kanilang orders, hindi lamang sa April Fools Day.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here