Home News Agaw pansin sa mga netizen ang isang lumang bus naging isang napakagandang modern mobile house

Agaw pansin sa mga netizen ang isang lumang bus naging isang napakagandang modern mobile house

0
Agaw pansin sa mga netizen ang isang lumang bus naging isang napakagandang modern mobile house
Sponsored Links

Tunay ngang kung magiging malikhain ang ating mga isipan at maging masipag ang ating mga kamay, maraming mga bagay ang ating kayang gawin na hindi natin akalain na ating magagawa.

May pera sa basura, ika nga nila, at maraming mga bagay ang hindi na ginagamit ngunit maari pang mapakinabangan kung ito ay papagandahin at e-recycle o upcycle.

Samantala, isang nakakabilib na gawa naman ang ipinamalas ni Jessie Lipskin, isang 30-taong gulang na ginawang isang napakagandang bahay ang isang lumang bus.

Ang isang modern mobile home ay kinagiliwan sa social media dahil napakalayo ng anyo nito bilang isang lumang bus.

Nakakamangha ang kanyang ideya kun paano nya na transform sa isang bahay ang naturang lumang bus. Mayroon itong hardwood flooring, tatlong malalaking storage closet, dalawang sleeping area, isang full-sized bath, dalawang central air-conditioning unit at kusina.

Isa sa mga star ng bus-house ay ang kwarto ni Jessie kung saan naka display ang kanyang napakaraming koleksyon ng kanyang mga libro. Napaka-aliwalas ng loob ng bahay dahil sa puti na pintura, at maganda ang pagkakaayos ng mga kagamitan kahit na hindi gaano kalakihan ang espasyo ng bus.

Malaki din ang naitulong ng isang professional team na tumulong kay Jessie sa pagtransform ng isang bus na maging bahay. Nagpapasalamat sya sa kanilang pagtulong lalo na sap ag ayos ng electrical na bahagi ng bagong bus-house, mga pagpipintura, plumbing at pagkakarpintero.

Mapapansin din ang mga painting na naka-frame at naka-display sa mga dingding. Kahit na maganda na tingnan ang bus-house, may plano pa si Jessi na lagyan ng ‘roof deck’ ang bahay para maging makumpleto na ang ipinapangarap nyang mobile house.

Hindi lamang sya magkakaroon ng magandang bahay, ngunit mayroon na syang mobile house kung saan madadala nya saan man sya tutungo. Hindi na sya mangangamba kung may naiwan syang mga mahahalagang gamit sa kanyang pagbibyahe.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here