Home News Patok ngayon ang Community Pantry Cake ng isang ginang, matapos pagkaguluhan sa social media

Patok ngayon ang Community Pantry Cake ng isang ginang, matapos pagkaguluhan sa social media

0
Patok ngayon ang Community Pantry Cake ng isang ginang, matapos pagkaguluhan sa social media
Sponsored Links

Sa kalagitnaan man tayo ng pandemya ay hinding-hindi parin nawawala ang kabutihan ng mga Pilipino. Kagaya na lamang ng usong-usongayon na #communitypantry na kumakalat ngayon sa iba’t-ibang sulok ng bansa.

credit to Mimey’s Pastries

Ang mga community pantries ay naglalayon na makatulong sa mga higit na nangangailangan ng mga pang-araw-araw na mga essential goods ng mga tao kagaya ng pagkain, sabon, mga kailangan sa pagluluto, at iba pa.

Samantala, dahil sa sobrang sikat nito, may ilang mga tao sa social media na ginaya ang community pantry at ginawang katatawanan kagaya na lamang ng community pantry ng mga modules sa paaralan.

credit to Mimey’s Pastries

Samantala, agaw pansin din ngayon sa mga netizens ang isang babae na gumawa ng kakaibang community pantry. Siya ay si Rikki Mae Pascua.

Si Rikki Mae ay isang Sangguniang Kabataan Kagawad (SK) ng Barangay 583 in Sampaloc, Manila. Nito lamang ay ipinagdiwang nya ang kanyang 24 na kaarawan at bilang pasasalamat ay gumawa rin sya ng isang community pantry. Hindi ito pantry ng mga groceries, gulay, o prutas, kundi isang pantry ng mga cakes at cupcakes.

credit to Mimey’s Pastries

“As I celebrate my 24th birthday I feel so blessed to share my small token of appreciation to my fellow ka-barangay. Maraming salamat po sa lahat ng nagtiwala at patuloy na nagtitiwala sa akin small business,” pahayag ni Rikki Mae sa kanyang caption sa kanyang post sa Facebook.

credit to Mimey’s Pastries

Naisipan nya na ito ang gawing pantry bilang pasasalamat sa kanyang mga customers at sa mga sumusuporta kanyang negosyo na mga cakes sa kanyang Facebook Page na Mimey’s Pastries.

Makikita sa larawan na masayang nag-aabang si Rikki Mae sa mga kukuha ng cakes sa kanyang pantry. Pinaalalahanan din nya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang inilagay na “Kumuha ayon sa blood sugar level”.

credit to Mimey’s Pastries

Nakakatakam talaga ang mga cake at tiyak marami ang magiging masaya sa kanyang community pantry.

“Be the reason to make someone smile today”, dagdag pa nito sa kanyang post.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here