
Noong nkaraan ay ipinagdiwang nating mga Pilipino ang “Araw ng mga Manggagawa” o Labor Day. Isa itong pagkakataon upang upang mabigyang pagpupugay ang mga manggagawang pinoy lalo na sa kanilang mga paghihirap sa pagtatrabaho.
Ngayong mayroong pandemya, marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho at isa na rito ang netizen na si Deck Garcia.

Kamakailan lang ay isa din si Deck sa mga naapektuhan ng pandemya dahil sa pagkakawala ng kanyang trabaho sa araw mismo ng Labor Day. Subalit sa kabila nito ay hindi nya nakaligtaan na ipagdiwang ang Labor Day, at maging at maging daan upang makatulong sa iba.

“Day One: Unemployed. Saktong labor day-ang official kong walang trabaho pagkatapos halos lagpas isang dekada bilang manggagawa…” pahayag ni Deck sa kanyang Facebook post.
Upang maibahagi nito ang pagpapahalaga at simpatya sa mga mangagawang Pinoy, sa kabila ng pagkawala ng kanyang trabaho ay gumawa pa sya ng isang community pantry sa kanilang probinsya.

“…At gawa na wala akong trabaho ako muna ang tatao sa munting tindahan ng nanay ko sa probinsya. Gamitin ko daw ang galing ko sa PR at Marketing Strategy para maubos ang paninda nya. Aha ayun, ginawa kong #CommunityPantry. Ayun ubos aha”, dagdag pa ni Deck.
Batid ni Deck ang paghihirap at sakripisyo ng mga mangagawang Pinoy kaya malapit umano sa kanyang puso ang mga manggagawang Pinoy.

“Mahal ko talaga ang labor force. Kahit mapanganib ay pumapasok pa sa work para may pangkain sila at ang pamilya nila”, wika ni Deck.
“… dahil may senior at mga bata na nakatira sa amin, minabuti kong iabot na lang sa mga #manggagawangpinoy ang kaunting pagkain dahil araw nila ito”, pagbabahagi pa nito.

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang ginawa ni Deck. Nakakataba ng puso ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa. Samantala, natawa naman ang iba sa dagdag na pahayag ni Deck, “… update ko kayo kapag pinalayas ako ng nanay ko” dahil nga mga panina ng kanyang ina ang kanyang ipinamigay.