
Marami na tayong narinig na mga kwento ng tagumpay, mga nagsimula sa simpleng negosyo at maliit na puhunan, lumago at nagbunga ng kaginhawaan sa buhay ng mga sumusubok na mag negosyo.

Isa na rito ang kwento ng isang in ana si Myrna Alonsagay na taga probinsya ng Antique. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan syang iwan ang kanyang pamilya at lisanin ang kanilang probinsya upang makipagsapalaran sa ibang lugar at mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Ayon sa Kapuso story, noong 2008 umalis ng Antique si Myrna upang makapagtrabaho sa ibang probinsya upang masuportahan nya ang pag-aaral ng kanyang mga anak sa kolehiyo. Nagsimula lamang bilang isang tindera sa market si Myrna at doon nya nasimulan ang kanyang sariling negosyo.

May kaibigan si Myrna na nag-offer sa kanya na magbenta ng mga produktong gawa sa mushrooms sa kanyang store. Namangha ito dahil mabilis umano na naubos ang mga mushroom products at ayon sa mga customers ay masarap talaga ang mga ito.
Kaya naman, naisipan ni Myrna na mamuhunan para sa mushroom business. Naglaan ito ng Php 30, 000 bilang panimulang capital sa kanyang “Myrna’s Miraculous Mushroom”. Sa 3,000 fruiting bags, naka-harvest si Myrna ng mahigit 10,000 kilos ng mushrooms.

Dahil naging matagumpay ang pagculture ng mga mushrooms, pinasok na din ni Myrna ang pagbebenta ng mga produkto na gawa sa mushrooms kagaya mushroom chips, polvoron, at chicharron, pati na rin ng mga healthy na pagkain katulad ng mushroom pizza, burger, at fries.

Sa kanyang mushroom business, nasuportahan nya ang pagpapaaral sa tatlo nyang anak sa kolehiyo. Tumulutong din ang kanyang mga anak sa kanyang negosyo.
Sa Facebook Page ng Myrna’s Miraculous Mushroom, hindi lamang sila nagbebenta ng kanilang mushroom products kundi nag-ooffer din sila ng mga seminar at training patungkol sa pagtanim at pag-alaga ng mushroom. Sama na nila ang Association of Mushroom Growers and Livelihood sa kanilang layunin na makatulong sa ibang tao sa pagnenegosyo ng mushrooms.
Ang Myrna’s Miraculous Mushroom ay matatagpuan sa Trece Martires, Cavite. Mapapanuod naman natin ang kanilang kwento sa iJuander video sa YouTube.