Sponsored Links

Marami na ang mga kabutihan na napaparangalan ngayo dahil sa social media. Subalit may mga tao pa rin na kahit hindi man maparangalan at maipaalam sa mundo ang kabutihan sa kapwa ay patuloy pa rin sa pag-gawa ng kabutihan.

Kagaya na lamang ni Chinie Jane Ching, na tinaguriang “Cow Mama” sa UAE, dahil sa kanyang tulong sa mga babies na walang gatas na maiinom dahil namatayan sila ng ina dahil sa C0VID-19.

Nabigyan ng parangan si Ching bilang recipient ng isang humanitarian award mula sa Prodigy Bureau and Sheikha Jawaher Bint Khalifa Al Khalifa, Chairperson para sa Sheikha Jawaher Al Khalifa Foundation for Youth Empowerment.

Malaki ang pasasalamat ni Ching sa kanyang natanggap na parangal at proud sya bilang isang Pilipino na makatulong sa ibang lahi lalo na sa mga sanggol na nangangailangan. Isa umano itong “extraordinary contribution” para sa kanya.

Saad nya sa kanyang Facebook account, “With humble heart , it is my great honor to be part of 15 ordinary women with extraordinary contribution to the world— proudly raising and wearing our country Philippines. Your Highness Sheikha Jawaher Bint Khalifa Al Khalifa, thank you very much for this for this once in a lifetime experience to meet you and to received an award from you.”

Marami ding mga sanggol ang natulungan ni Ching at umabot na umano sa 40 ang bilang. Tinutulungan nya ang mga babies na nangangailangan ng breastmilk, mga premature babies, mga in ana walang masaganang supply ng gatas, mga in ana hindi makapagbigay ng gatas sa kanilang baby dahil sa mga iniinom na gamot, mga babies na napahiwalay sa ina, at mga babies na iniwan ng mga ina dahil naging biktima ng pandemya.

“Itong advocacy kong ‘to naging tulay siya para mag-open up sa mga mommies at opportunity na din sa mga mommies na kagaya ko na willing mag-donate,” pahayag ni Ching.

Sana ay marami pang katulad ni Ching na ina ang makatulong sa kanilang kapwa ina at lalo na sa mga sanggol na nangangailangan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here