Home News Nag-umpisa sa wala ngayon ang kanyang Negosyong damit pambahay, kumikita ng Php 500,000 kada linggo

Nag-umpisa sa wala ngayon ang kanyang Negosyong damit pambahay, kumikita ng Php 500,000 kada linggo

0
Nag-umpisa sa wala ngayon ang kanyang Negosyong damit pambahay, kumikita ng Php 500,000 kada linggo
Sponsored Links

Nang dahil sa mga pambahay na damit, isang dating simpleng online seller, ngayon ay kumikita ng ng aabot sa Php 500,000 kada lingo. Siya ay si Macy Lualhati , mag-ari ng negosyong ‘Pambahaymnl’, isang online shop ng mga damit na nagsimul sa gitna ng pandemya.

Mahirap lamang noon ang buhay ni Macy. Noong bata pa sya ay pumapasok umano sya sa paaralan ng walang baon, hanggang sa nagkolehiyo. Noong second year college pa lamang sya ay nabuntis sya, ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi nya maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

credit to GMA Public Affairs | YouTube

“Kung gusto mo naman, may magagawa ka e. Hindi kumo pinanganak kang mahirap, mamatay kang mahirap. Nasa sayo ‘yon. At lagi ko din pong iniisip na one day maibabangon ko ang pamilya ko.”, saad ni Macy sa isang dokumentaryo sa kanyang buhay sa programang GMA Public Affairs: Pera Paraan.

credit to GMA Public Affairs | YouTube

Noong nagtapos sya ng kanyang pag-aaral ay agad syang nakapagtrabaho sa bangko. Ngunit hindi sapat ang kanyang kinikita kaya’t naisipan nyang magnegosyo. Taong 2015 noong una nyang naisipan na mag online selling ng mga damit galling sa Taytay tiangge sa puhunang 2,000.

Pagkaraan ng isang taon at kalahati, nakaipon sya ng Php 100, 000 at doon na sya nagkaroon ng lakas ng loob na lisanin ang trabaho sa bangko at mag pokus sa kanyang pagnenegosyo ng mga damit pambahay.

Nagsimula na syang magtahi at hindi na sya bumibili ng mga damit sa Taytay, hanggang sa ang isang mananahi nito ay naging labing-dalawa na.

Ngunit sa pagdating ng pandemya noong nakaraang taon, naapektuhan ang Negosyo ni Macy. Marami sa kanyang mga mananahi ang napatigil sa trabaho dahil marami sa kanilang mga shop na sinusuplayan ay nahirapan din sa negosyo.

credit to GMA Public Affairs | YouTube

Naisipan ni Macy na gumawa na din ng mga PPEs at mga masks, ngunit hindi pa ito naging sapat para makabangon ang patahian.

Isang mananhi ni Macy ang nag-alok sa kanya na bumalik sa trabaho at doon naisipan ni Macy na bumalik sa Negosyo. Sa halagang Php 20,000, naisipan ni Macy na mag Negosyo ng mga pambahay na terno at doon nya nasimulan buksan ang kanyang shop na “Pambahaymnl”.

Naging matagumpay ang Pambahaymnl na umabot na sa Php 500, 000 ang kita sa isang lingo, pati na rin ang isa sa mga mananahi ni Macy ay nagpatotoo na malaking tulong ang trabaho nya doon. Ang mananahi ay kumikita umano ng aabot sa Php 10, 000 kada lingo dahil binabayaran sila kada piraso ng damit na matatahi. Dahil rin sa trabaho nya kay Macy, nakabili sila ng bahay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here