Sponsored Links

Dala ng pandemya ang samu’t saring mga problema, krisis at mga hamon sa buhay ng maraming tao sa buong mundo. Sabi nga ng karamihan ay ito na ang ating “new normal”, nakasuot ng face mask, face shield, naka-quarantine at lockdown, bawal na ang mga pagtitipon-tipon, uso na ang online transactions, online selling, pati na rin online classes.

Hindi madali ang new normal, dahil mas nakasanayan natin ang malayang pagkilos sa labas at nagagawa ang mga bagay na walang pangamba. Samantala, ang new normal ngayon ay nagdudulot ng malaking pagkapanibago sa mga bagay na ating nakasanayan.

Isa na ang new normal class set-up na ipinapatupad sa mga paaralan, na sa halip ng face-to-face na pag-aaral ay naging online classroom arrangement nalang upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit at maging mas ligtas ang mga mag-aaral at pati na rin ng mga guro.

Hindi ito naging madali. Maraming mag-aaral ang napahinto na lamang sa pag-aaral dahil hindi makabili ng laptop o cellphone na kailangan sa online classes. Subalit, may ilan din namang nakahanap ng paraan upang makapagpatuloy.

Bukod pa sa ganitong mga suliranin at hamon, dagdag pa ang pahirap hindi lamang sa mga estudyante kundi pati narin sa mga guro, ang pag gamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang pagtuturo.

Dahil kadalasang ang mga guro ay may edad na at hindi naging bahagi ng kanilang henerasyon ang mga makabagong kagamitan kagaya ng laptop, cellphone at Internet, kadalasan ay nagiging dagdag pahirap ito sa kanilang pagtuturo.

Kaya naman minabuti ng netizen na si “Dave Henson” na bigyang pugay ang kanyang inang guro na sa panahon ngayon ay doble ang pagsisikap na makapagturo sa kanyang mga estudyante. Si “Ma. Victoria Henson,” ay apat na dekada nang guro at kasalukuyang nagtuturo sa Technological University of the Philippines-Manila Campus.

Ayon kay Dave, talagang tinatiyaga ng kanyang ina ang pagtuturo online kahit na nahihirapan ito, lalo na’t Matematika ang itinuturo nito.

“Educators in the New Normal. I hope you, kids, know how much teachers, especially the non-techy old-gen ones, are struggling to facilitate learning in the new normal. Day after day, they fight really hard to overcome their personal hurdles with technology and devices,” sabi ni Dave.

“Now, both mastery of the subject and well-thought-out impartation strategies require more technological prowess than they’re used to. I hope you’ll keep that in mind the next time your teachers are having a difficult time with seemingly mundane tasks. Let’s be patient with them in the same way that we want teachers to be patient with us”, dagdag pa nito.

Kaya naman ay maging inspirasyon ng mga estudyante ang mga gurong katulad ni Ma’am Victoria, na sa kabila ng hirap sa pagtuturo ay matiyaga na naghahanap ng paraan upang hindi mapabayaan ang kanyang mag estudyante sa panahon ngayon.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here