Sponsored Links

Maaring hindi ka mahilig sa aso lalo na sa mga pusa. Madalas kang naiinis kapag may makulit na pusa na humaharang sa iyong harapan o di naman kaya ay nanghihingi ng pagkain habang ikaw ay kumakain. Hindi nga lahat ng tao ay mayroong pagmamahal at hilig sap ag-aalaga ng mga hayop. May ilan din naman na hindi naiiwasan na manakit ng mga hayop.

“Be kind to animals”. Ito ay mga salitang hindi bago sa ating pandinig ngunit bihirang magawa sa aktwal na buhay lalo na kapag hindi sayo ang isang hayop at wala kang pakinabang na nakukuha.

Subalit, isang kahanga-hanga kabaitan ang ipinakita ng isang Food Panda rider sa isang pusang gala. Ito ay ibinahagi ni Ye Khaung Oo sa kanyang Facebook at umani ng napakaraming reactions na umabot sa 102k at mayroong 95k shares.

Maaring simpleng bagay lamang ito ngunit ito ay bihira mon ang masasaksihan ngayon. Hindi naman lingid sa kaalman ng marami na abala ang mga food delivery riders sa kanilang trabaho lalo na ngayong pandemya dahil maraming tao na ang mas pinipiling umorder ng pagkain dahil limitado na ang paglabas sa bahay.

Makikita sa larawan na kumakain ng kanyang baon ang Food Panda rider. Itinabi niya muna ang kanyang bisikleta. Nakaupo sa isang plastic container at kalong-kalong ang kanyang pagkain. Makikitang may isang pusa na lumapit sa kanya upang manghingi ng pagkain. Sa halip na itaboy ito ng rider ay binigyan niya pa ito ng pagkain.

“One of those rare, defining moments of love and kindness in the midst of cruel and hypocrite ‘civilizations’”, wika naman ng uploader na si Ye Khaung Oo sa kanyang post.

Tunay ngang sa panahon ng krisis at pandemya, sa kabila ng kahirapan sa buhay ay mayroon paring kabutihan sa puso ng tao. Maging ang pagkakaroon ng pag-aalala at malasakit sa hayop ay hindi parin nawawala.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here