Sponsored Links

Malalaman mod aw kung tunay na mabait ang isang tao kapag pati sa mga hayop ay mabait at may pag-alala din ito. Maaring totoo man ito o hindi, marami pa rin ang hindi kayang tiisin ang mga pusa o aso na pagala gala sa kalye at walang makain at maayos na tirahan.

Isang nakakabilib at napaka cute na pangyayari ang naibahagi sa social media kamakailan lang na umani ng maraming reactions mula sa mga netizens.

Isang babae ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan ang napahinto sa gitna ng daan upang kunin ang isang kuting. Sya ay nakilala sa pangalang Starr Reyes, at ibinahagi ng kanyang kaibigan na si Sheena Mae Salubre Forones ang kanyang mga larawan habang nire-rescue ang pusa sa gitna ng daan.

Sa pangamba na baka ito ay makalmot ng kuting, minabuti ni Starr na hubarin ang suot-suot na tsinelas upang gamiting pangdampot sa kuting at dalhin ito sa kanyang ina at mga kapatid na naroon lamang sa gilid ng kalsada.

Nakakabilib nga ito, at hindi lahat ng tao ay may ganitong malasakit sa mga hayop lalo na sa mga pusang gala. Hindi alintana ni Starr ang abalang naidulot nito sa kanilang byahe dahil busilak ang kanyang kalooban na matulungan ang kuting.

Ang isang magandang pangyayari na ito ay naganap umano sa kalagitnaan ng highway ng Silway, General Santos City.

Ayon naman sa kaibigan ni Starr, hindi lamang mabuting Samaritano si Starr kundi isa ring ulirang maybahay at negosyante.

Samantala, si Starr ay napag-alamang isang social media influencer at mayroon itong Facebook Page na “Kurdapya Atyourservice” na may mahigit 300, 000 followers.

Walang duda naman na magkaroon siya ng maraming followers dahil na rin sa kanyang mabuting mga ginagawa. Sana naman ay tularan ng marami ang mabubuting gawain nito bukod sa mga pagpapatawa nito sa kanyang Facebook page.

Isang simpleng gawain na hindi lahat ng tao ay kayang gawin, kagaya na lang ng pagliligtas at pagmamalasakit sa isang kuting.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here