Sponsored Links

Iba ang galing ng pinoy, ika nga. Kahit saan man mapadpad ang lahing pinoy, umaangat at nakikilala ang galing natin sa ibang bayan. Napatunayan na ito ng ilan nating mga kababayan na naging kampyon at sa mga patimpalak at paligsahan.

Ilan lamang sa mga kilalang-kilala na mga personalidad sa buong mundo ay sina Manny “PacMan” Pacquiao, singer na si Lea Salonga at Garry Valenciano, Miss Universe Pia Wurtzback, at Catriona Gray, at ballerina Lisa Macuja-Elizalde, at marami pang iba.

Sa larangan man ng sining, musika, isports, at maging sa pagsasayaw, ay kilala ang ating lahi bilang magagaling at iginagalang sa iba’t-ibang kategorya ng talento.

Samantala, isang pinay parin ang namamayagpag at nakilala sa Amerika dahil sa husay nito sa pagsasayaw. Sa katunayan ay umabot na sya sa NBA cheerleading group na maituturing na isa sa mga pinakasikat na cheerleading level sa buong mundo.

Sya ay si Kyla Fajardo na ngayon ay 20 taong gulang pa lamang, ngunit ilang taon na rin na nagsimula ang kanyang karera sa Amerika sa pagsasayaw. Sya ay tubong Malolos, Bulacan at ngayon ay nasa Carson City, California na.

Ayon kay Kyla, nagsimula ang kanyang hilig sa pagsasayaw noong 11 taong gulang pa lamang sya. Subalit ngayon ay isa na syang ganap na dance instructor sa isang Torrance based studio sa California.

Agaw pansin naman sya sa NBA court noong siya ay sumayaw bilang miyembro ng Los Angeles Cheerleading Dance Group. Bukod pa sa kanyang husay sa pagsasayaw ay nakaka-agaw atensyon din ang kulay ng kanyang buhok na matingkad na asul, at ang taglay nitong kagandahan.

Hindi umano madali ang makapasok sa naturang team dahil matinding screening at pagpipili ang ginagawa dahil isang prestihiyosong kaganapan ang NBA sports.

Si Kyla pa umano ang pinakabatang miyembro ng Cheerleading Dance Team ng LA Clippers. Kaya’t proud ito at nagpapasalamat sa isang napakalaking oportunidad sa kanyang buhay.

Tunay ngang world class ang galing ng mga Pilipino na dapat talagang ipagmalaki.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here