Sponsored Links

Ang bawat tao ay nilikha na may kanya-kanyang kakayanan, talento at talino. Mayroong magaling sa Mathematics at mga pagkakalkula ng mga numero, may mga magaling sa Siyensya, at mayroon din namang sa negosyo, pagsasalita, pag aarte, magaling sa pagsasayaw o pagkanta.

photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo, Mikaela Gabriel Bordon | Facebook

Maaring ang ibang tao ay mahusay naman sa paglikha ng mga gawang sining kagaya ng pagpipinta, pag-uukit, pananahi, pagbuburda, o pagsusulat. Lahat ng tao ay may angking talent na maaring sa murang edad pa lamang ay nadidiskubre na, mayroon din naman matanda na nang napansin ang talent.

photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo, Mikaela Gabriel Bordon | Facebook

Hindi man kanais-nais ang naidulot ng pagdating ng pandemya sa mundo, may iilang mga mabubuting bagay naman ang nadiskubrehan ng mga tao sa pananatili ng matagal na oras sa loob ng bahay dahil sa lockdown at quarantine protocols. Marami ang natutong magnegosyo online, marami ang natutong magluto, at ang iba naman ay natutong magpinta, kagaya ng netizen na Malaki ang pagkakahawig sa artistang si Janella Salvador.

image via google

Si Mikaela Gabriel Bordon ay nakatira sa Makati City at hindi maikakaila na mapagkakamalan mo itong si Janella sa mabilisang tingin. Maganda din ito at may talento sa pagpipinta. Dahil sa lockdown, naging mas lalo pa itong bihasa sa pagpipinta dahil umano ay ginugol nya ang oras sa pag eensayo sa pagpipinta upang lalo pa nyang mapaganda ang kanyang mga gawa.

photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo, Mikaela Gabriel Bordon | Facebook

Ayon kay Mikaela, pagkagaling nito sa trabaho ay naglalaan ng oras sa kanyang pagpipinta. Hindi nya man ito matapos sa isang araw, sa tuwing may pagkakataon ay pinagpapatuloy ang nasimulang gawa hanggang sa ito ay matapos. “Kapag po nakauwi nap o ako galing trabaho, tinutuloy kop o ang pag-pinta. Pero pag sabado-linggo po, buong araw ko po yun ginagawa”, wika nito.

Malaki umano ang naitulong ng kanyang pagpipinta dahil naging source nya ito ng income noong kasagsagan ng pandemya at napasailalim sa lockdown ang Manila.

Bukod pa sa pagpipinta, gumagawa din si Mikaela ng mga artwork sa wallet, refrigerator magnets, at bookmarks.

TINGNAN: Higit pa sa pagiging libangan ang pagpipinta ni Bayan Patroller Mikaela Gabriel Bordon, mula sa Makati City,…

Posted by Bayan Mo, Ipatrol Mo on Monday, August 10, 2020

Ayon naman sa mga nakakita ng mga larawan ni Mikaela, mukha daw talaga itong si Janella Salvador. Mayroon din naman nagsasabi na kahawig din nito si Kathryn Bernardo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here