Sponsored Links

Ang edukasyon ay isang bagay na napakahalaga lalo na sa ating bansa kung saan ito ang nagiging batayan upang makahanap ka ng magandang trabaho na makakatulong sa iyo na umangat sa buhay at marating ang mga pangarap. Kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, kahit gaano ka pa kagaling ay mahihirapan ka paring makakuha ng trabaho at posisyon sa isang kompanya, pribado man o pampubliko.

Madalas nga nating naririnig sa ating mga magulang na “edukasyon lamang ang kanilang maipapamana sa atin na hindi mananakaw ng kahit sinuman.”

Hindi biro ang hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga magulang lalong-lalo na kung ito ay nanggaling sa mahirap na pamilya. Kailangang kumayod ng mabuti para makapag-paaral ng mga anak at mapatapos hanggang kolehiyo.

May mga magulang na nakakalimutan na ang sariling interest at pangarap para lamang maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak. Mas doble ang hirap ng mga magulang na nagtatrabaho sa malayo, nag-aalaga ng ibang bata subalit sarili nilang anak ay naiiwan sa bansa. Subalit, tinitiis ng mga magulang ang mapalayo para lamang kumita ng mas malaki at mapaaral ang mga anak.

Mapapawi ang hirap, pagod at sakripisyo ng magulang kapag ang prinsipyo at paninindigan ng anak sa buhay at pag aaral ay kagaya ng estudyanteng nagsabi sa kanyang graduation photo na “Never susuko sa pag-aaral dahil never napagaod ang nagpapaaral.”

Umani ng napakaraming reaction at shares ang nakakaantig sa puso na post ng estudyante na ito kahit hindi man napangalanan ay naging inspirasyon sa maraming mga kabtaan na magsipag sa pag-aaral dahil hindi napapagod ang mga magulang na ibigay ang mga pangangailan lalong-lalo na ang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Sana ay maging inspirasyon ang mga magulang kung nakakaramdam ng pagod at hirap sa pag-aaral. Maging modelo natin sila na sa kabila ng kanilang paghihirap ay hindi sumusuko marating lang natin an gating mga pangarap at maging matagumpay sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here