Sponsored Links

Maaring nakakaranas ka ng hirap sa trabaho, pag-aaral, o sa sitwasyon mo sa buhay, subalit kapag nalaman mo na may mga tao pang mas mahirap ang pinagdadaanan kaysa sayo ay masasabi mong mas mapalad ka pa rin.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Isang nakakakurot sa puso ang kwento na ibinahagi ng isang netizen na si Marilou Mendoza Labanes tungkol sa isang pamilya na nakakaranas ng kahirapn sa buhay.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Marilou ang kalagayan ng buhay ni Cornelia Sagumhay, kasama ang kanyang anak, at isang apo. Si nanay Cornelia ay 63 taong gulang at nakatira sa Misamis Oriental kasama ang kanyang anak na babae na may problema sa pag-iisip, at kasama ang kanyang sanggol.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Sa kabila ng katandaan, si nanay Cornelia ay kinailangan nyang maghanapbuhay upang may makain silang mag-anak sa araw-araw at mairaos ang gutom. Dahil sa may problema sa pag-iisip ang anak, hindi rin nila nalaman kung sino ang ama ang anak nito, kaya naman, isa pa iyon sa dahilan kung bakit kailangan magbanat ng buto ni nanay Cornelia upang may pagkain ng apo.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Si nanay Cornelia umano ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay dahil hindi rin kaya ng kanyang anak. Sa kabila pa nito, pag-gagawa lamang ng barbecue sticks ang kanilang pinagkukunan ng income sa araw-araw.

Sa bawat 100 pirasong stick umano ay 5 piso lamang ang bayad sa kanya, at 500 pirasong sticks lang ang kaya nitong gawin sa isang araw, kaya’t 25 piso lamang ang kanyang kabuuang kita sa isang araw.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Nahabag ang kapitbahay nilang si Marilou kaya’t minabuti nitong ibahagi sa Facebook ang kalagayan nil ani nanay Cornelia.

Agad naming rumesponde at tumulong ang CSWDO ng Ginoog City. Ayon naman kay Renan Kate Sabacajan Espinosa, nagkomento ito na hindi naman daw pinapabayaan ng gobyerno ang pamilya ni nanay Cornelia dahil may natatanggap siyang social pension at SAP at tuwing dalawang buwan ay binibigyan din sila ng supply dahil napabilang sila sa programang food assistance sa Brgy. Bal-ason.

Marilou Mendoza Labanes | facebook

Samantala, marami naman ang nagpa-abot ng tulong sa pamilya ni nanay Cornelia dahil sa paghingi ng tulong ni Marilou sa kanyang social media.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here