Sponsored Links

May mga taong sadyang biniyayaan ng nakakamanghang talino at galing.  May mga taong tinatawag na genius o labis na matatalino kumpara sa mga normal na tao. Ano ang iyong gagawin kung mayroong kang genius na anak o kapamilya?

Tila hindi kapani-paniwala ngunit totoo ang mga kakaibang kakayahan at katalinuhan ng mga geniuses. Kagaya na lamang ng viral na bata na si Mike Wimmer.

Si Mike Wimmer ay 12-taong gulang pa lamang at nakatira sa from Salisbury, North Carolina. Kung titingnan mo ay normal na bata lamang sya ngunit pambihirang utak ang kayroon sya dahil sobrang talino nito. Sa edad na 12-taon, si Mike Wimmer ay gagraduate na high school at college na may pinakamataas na perpektong grado sa paaralan.

Si Mike ay dadalo sa kanyang graduation sa kolehiyo sa Rowan-Cabarrus Community College sa May 21 at magtatapos din sya sa high school sa Concord Academy sa May 28, kung saan sya ay pararangalan din bilang isang valedictorian.

Dalawang taon lamang tinapos ni Mike ang kanyang high school at isang taon lamang nya tinapos ang kanyang associate degree na dapat ay kukuhanin ng dalawang taon. “I went through all of the grades in school at a faster pace. I’m like a sponge, I take in knowledge very fast”, pahayag ni Mike.

Dahil sa kanyang angking kakaibang talino, kasama na rin si Mike sa MENSA-samahan ng mga may pinakamatataas na IQ sa buong mundo.

Bukod sa pagiging mahusay sa kanyang pag-aaral, labis din ang pagkahilig ni Mike sa science and technology. Noong sya ay mahigit isang taong gulang pa lamang ay mayroon na syang iPad at pinag-aaralan na nya kung paano ito gamitin. Pagkatungtong nya ng limang taon, natuto na sya computer programming.

Sa kasalukuyan, sya ang founder at CEO ng isang robotics startup na Reflect Social. Ayon sa website nito, ang Reflect Social ay naglalayong ma-e-combine ang popular social media platforms sa Internet of Things (IoT) devices, para makapagbigay ng “new dynamic social experience”. “My entrepreneurial goal is to build technology that enables people to live better lives,” pahayag pa ni Mike.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here